Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JK Labajo

JK Labajo naloka nawawalang underwear ibinebenta online triple pa ang presyo

MA at PA
ni Rommel Placente

SA eksklusibong panayam ng PEP.ph sa singer-actor na si JK  Labajo, naikuwento niya ang ilan sa fan encounters na maituturing niyang espesyal at hindi niya makalilimutan.

Ayon sa kanya, ang pinakamasaya ay ‘yung minsang may out-of-the-country shows sila, pagtapos ay biglang may isang fan na nasa eroplano rin, tapos pupunta rin sa country na ‘yun para lang manood.

Like ako, ‘What?’ May show kami sa U.S. [United States] tapos taga-‘Pinas siya pero pupunta siya sa U.S. para lang manood,” simulang kwento ni JK. 

Patuloy niya, “Kahit ako nabibigla na tapos tatanungin ko siya, ‘Kakapanood mo lang sa akin doon sa Mandaluyong, bakit ka manonood sa U.S.?’ ‘Wala lang, para mapanood kita.’

“Di ba, kahit wala namang pinagkaiba?”

May isa rin daw siyang karanasan sa fan na masasabi niyang hinding-hindi niya makalilimutan. Ito ay nang mawalan siya ng underwear at makitang ibinebenta online.

Parang one time,  we had a show and then all of a sudden, nawala ‘yung underwear ko.

“Kasi nagbibihis kami. Usually, right after the show, nagbibihis kami.

“Kasi ako, sobrang pawisin akong tao,  we change. And all of the sweaty clothes were put somewhere. 

“So, one time, nawala myung underwear ko. Okay [sabi ko], ‘Ang weird, saan kaya napunta ‘yun?’

“Tapos we found out kasi ipinost sa Facebook na for sale.

“[Nakalagay pa] ‘Underwear ni JK.’ Tapos parang times five ‘yung presyo ng underwear.

“Tapos parang nakalagay pa ata sa description na ‘never been washed.’

“Actually, maraming stories. Sobrang dami. Crazy encounters,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …