Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofia Andres Kathryn Bernardo Sarah Lahbati

Sofia nakahanap ng tunay na kaibigan kina Kathryn at Sarah

MA at PA
ni Rommel Placente

MAHIRAP talagang humanap ng tunay na mga kaibigan sa showbiz. Pero natutuwa si Sofia Andres, dahil nakakita siya ng tunay na mga kaibigan sa mundong kanyang ginagalawan, at ang mga ito ay sina Kathryn Bernardo at Sarah Lahbati.

Sabi ni Sofia sa interview sa kanya ng PEP.ph“Minsan lang may loyal and so I really want to take care of the both of them.”

Aminado si Sofia na mapili siya pagdating sa pakikipagkaibigan, pero pakiramdam niya ay masuwerte siya na nag-click ang kanyang personalidad kina Kathryn at Sarah, kaya madali siyang nagkaroon ng tunay na koneksiyon sa mga ito.

“Hindi naman ganoon kahirap ‘pag picky din ako, maarte ako sa mga kaibigan. At saka, malalaman mo. I think, instincts mo.”

Sa tanong kung ano ang mga paborito nilang bonding activities kapag magkasama,   sagot ni Sofia, “Marami. Super adventurous kami, kaya nakakalimutan namin ang stress. ‘Yun ang importante.

“I think, for me, this year is gonna be lucky.”

Consistent sa kanyang pahayag, madalas na pumupunta ang tatlo sa mga beach, nag-a-outing at exclusive dinner gatherings sa kanilang spare moments.

 Samantala, may mga gagawing pelikula ngayong taon si Sofia, pero aniya, ayaw pa niyang magbigay ng detalye tungkol dito.

“I’m working on something new, and I think it’s gonna be different this year, which I’m super excited about. I think, for me, this year is gonna be lucky,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …