Friday , November 15 2024
Kat Agarrado Sinosikat Heart Calling

Sinosikat nagbabalik, Heart Calling inilunsad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGULAT kami noong Martes ng gabi nang lumabas ng 12 Monkeys Music Hall and Pub sa Estancia Mall para sa launching/press conference ng Sinosikat dahil napakahaba ng pila kaya halos napuno at siksikan ang venue.

Ganoon pala kasikat ang Sinosikat na talagang dinayo pa ng kanyang fans and friends ang launching ng bago niyang single, ang Heart Calling.

Ang Sinosikat na pinangungunahan ng frontwoman nitong si Kat Agarrado ay nagbabalik sa local music scene matapos itong mawala may 15 taon na. Huli silang narinig noong 2009 matapos i-release ang kanilang 2nd Album.

At dahil sa tagal ng pagkawala ni Kat, marami ang nagsabing imposible nang bumalik ito sa pagkanta. Subalit nabago ang planong pagre-retire nang may nagbukas na isang malaki at magandang oportunidad.

Ang bagong single, Heart Calling ay ini-release ng Warner Music Philippines at Pinoy Soul Records. Bale kasunod ito ng unang dalawang ini-release ng kanta, ang self-titled debut, SinosiKat na sinundan ng 2nd Album noong 2007 at 2009.

Ilan sa mga nag-hit na single ng Sikosikat ay ang So Blue Hitmakers, under Warner Music Philippines noong 2022. Kasama sa solo single nila ang Sa Iyong Mga Mata at Beautiful Kind.

Kumakanta na si Kat noong 16 taong gulang pa lamang siya at sumali sa iba’t ibang local bands na napanatili ang kanyang musical traction sa SinosiKat ng may ilang dekada na rin.

Sa pagbabalik ng SinosiKat, asahan na ang madalas na makikita at maririnig ang kanilang mga awitin. 

Ayon kay Kat, nais niyang ipagpatuloy ang 20 year music legacy ng SinosiKat. Nabuo ang kanilang banda noong 2004 at simula noon, nakagawa na sila ng pangalan sa industriya at sa OPM landscape.

Taong 2007 masasabing taon ng SinosiKat dahil dito talaga sila sumikat. Nagwagi sila sa NU Rock Awards at nabigyan ng pagkilala bilang Vocalist of the Year.  

Ani Katdahil sa pandemic nabago ang pagtingin niya sa buhay. “This long pandemic, I was ready to retire, I was ready to relax. I was even ready to leave the music scene.

“But my heart was still calling like I still had something to do. Something to give. i was praying and asking for a sign. The heavens answered. Doors were opening and opportunities started coming in.”

Ang upbeat tempo ng Heart Calling ay naiiba sa mga naunang release ni Kat. Ito ay isang ideal song na magso-showcase ng kanyang vocal range at style. ‘Ika nga, she croons, raps, belts and hits those high notes without a hitch.’

Kaya naman, maituturing na ito ang second coming ni Kat kaya abangan!

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …