Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Belle Mariano Donbelle Bibe Hair

DonBelle pinagkaguluhan nang bumili ng bibe hair clip sa Binondo

MA at PA
ni Rommel Placente

VIRAL ang video nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na namimili ng usong-uso ngayong bibe hair clip sa Binondo. Sa nasabing lugar kasi sila nagti-taping ng top-rating series na Can’t Buy Me Love. 

Habang break time nila sa kanilang taping, ay sinamantala nila na mag-ikot-ikot sa Binondo. At dito nga ay bumili sila ng bibe hair clip. Hindi rin talaga sila pahuhuli sa uso, huh.

Makikita sa video na si Belle ang pinapili ni Donny sa mga itinitindang bibe hair clip sa Binondo na kanilang isusuot. 

Sa pag-iikot ng DonBelle sa Binondo, dahil mga sikat, pinagkaguluhan sila ng mga tao. Game na game naman ang dalawa na nagpa-picture sa mga ito. Kaya tuwang-tuwa sa kanila ang netizens.

Siyempre pa, kilig na kilig naman ang mga tagahanga ng DonBelle sa viral video nila. Sabi ng mga fan, kaya nakiuso sina Donny at Belle sa bibe hair clip ay dahil bibe, as in baby nila ang isa’t isa.

Well, sana nga ay talagang baby nina Donny at Belle ang isa’t isa at hindi sila hanggang loveteam lang, para mas lalo silang mahalin ng kanilang mga tagahanga. Ang mga fan kasi, ang gusto nila sa loveteam ay loveteam din sa totoong buhay, ‘di ba?

Gaya ko, tagahanga ako ng loveteam noon nina Maricel Soriano at William Martinez. Kilig na kilig talaga ako sa kanila. At winish ko na sila ang magkatuluyan. Kaso nga, hindi ‘yun nangyari. Kaya na-sad ako nang mauwi rin sa wala ang  kanilang relasyon. Hanggang loveteam lang talaga sila noon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …