COOL JOE!
ni Joe Barrameda
HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque na wedding reparations na ang pinag-uusapan. Wala pa kasing nagsasalita sa dalawa sa kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila.
May mga espekulasyon na posibleng magkabalikan ang dalawa dahil pareho namang masaya at nomal sila na parang walang pinagdaraanan.
Nakaaaliw nga ang isyung ito dahil sa isang party ng mayayaman na dinaluhan namin, ito ang topic ng mga socialite sa party na ‘yon. Wala silang kamalay-malay na nasa tabi lang nila ang isang showbiz reporter habang sila ay nagtsitsikahan.