Saturday , November 16 2024

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak.

Sa media conference ng When Magic Hurts na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas, Maxine Trinidad, at Mutya Orquia naibahagi ng aktres na tuloy ang laban nila.

Aniya, Tuloy na po ang laban! Hinding-hindi na ako papayag na masaktan uli ang anak ko!”

Sinabi ni Angelica na dumating sila sa ganitong desiyon dahil hanggang ay ayaw kilalanin ng biological father ang anak niyang 11-year-old na si Angelo. Tumanggi itong pirmahan ang birth certificate ng bata, na isa sa requirement para maka-graduate ito.

“Very emotional po talaga ako. Actually, deadline na yesterday. So, may pinagdaraanan po ako ngayon, like my son. Sorry po ha? Medyo naging emotional ako.

“Mayroon kasing parang deadline, one week, for birth certificate ng anak ko. And I told my son na puwede namang ilagay sa pangalan ko. Aakuin ko na lahat ng sakit, kaya sabi ko, love is sacrifice.

“Masakit sa nanay, nakadudurog ng puso kapag anak mo na ang umiiyak. Kapag anak mo na ang nasasaktan. Gusto mo kunin lahat ng sakit ‘wag mo lang makitang umiiyak ang anak mo. Durog na durog ako last night.

“So, actually last night lang po nangyari. My son, sobrang iyak nang iyak siya last night (Friday, February 23). Hindi ko alam na may pinagdaraanan siya. Kasi nga, naging busy ako.

So aaminin ko po, until now, hindi po pinirmahan. And my son is graduating Grade 6. So hindi siya makaka-graduate kung walang birth certificate.

“Ang kailangan lang pirma, roon nakasalalay ang future ng anak ko for HS and college kasi mataas pangarap ng anak ko,” tuloy-tuloy na pahayag ng aktres.

“Ang sabi ko sa anak ko, ‘Everytime you get hurt, kapag nasasaktan tayo, wala tayong mahihingahan ng sakit, sama ng loob, kundi sa Panginoon.’

“Last night, noong nakita kong durog na durog ‘yung kalooban ng anak ko, umiiyak siya, sabi ko sa kanya, ‘Sige, iiyak mo lang iyan. Ilabas mo lang iyan! And then, talk to God.’

“Dinala ko siya sa altar. ‘Magdasal ka. Iiyak mo lahat sa Kanya. Remember, noong mamatay si mom (Beth Jones)  and nabuhay siya sa COVID.

Three months sa ICU. Nabuhay siya. You pray. Na-grant ni Lord ‘yon. So, malay mo ngayon, may miracle, ma-grant uli ‘yung wish mo.’ So sabi ko sa anak ko, na lahat ng bagay na masakit, lahat ng pain na nangyayari sa buhay natin, may purpose si Lord,” sabi pa ni Angelica.

Nilinaw pa ni Angelica na, “Wala kaming hinahabol dahil mula pagbuntis, ako na financially, emotionally, spiritually, ako umako lahat. Ako gumastos. Wala siyang ibinibigay na suporta.

“Ang gusto ng anak ko makilala siya, umiyak siya last night, sabi niya in ‘10 years ‘di ako kinilala ng tatay ko, anak ba talaga ako, totoong anak ng tatay ko?’ Ang sakit, di ba?” dagdag pa ng aktres.

Dahil sa nangyari, kumausap na ng abogado si Angelica. “Ngayon po, nasa stage po ako na…ang plano ko po is to talk to my lawyer, to file a case against his dad. So tuloy na po ang laban.

“Kung noong nagbubuntis pa lang ako, na hindi ako nagdemanda, mas pinili ko ang magpatawad, mas pinili ko ang manahimik, to forgive, to forget and love, and peace of mind.

“But now, this, the rights para sa anak ko, hinding-hindi na ako papayag na masaktan, makita uli ang anak ko. So let’s wait and see what happens. Sa korte na lang po kami magkikita,” giit pa ni Angelica na gumaganap na nanay ni Beaver sa pelikulang When Magic Hurts na handog ng RemsFilms Productionat idinirehe ni Gabby Ramos.

Sinabi ni Angelica na naka-relate siya sa role niya sa pelikula. “Actually, iyak ako nang iyak habang binabasa ang script. Very emotional and nakare-relate ako. Noong nalaman ko ‘yung role ko, pini-feel ko ‘yung character ko kasi nga may anak din akong lalaki.

“Kapag umaarte kami ni Beaver sa mga eksena, rito ko talaga nailabas ang sakit. ‘Yung pain, failure, hurts. So sabi ko perfect timing ‘yung ibinigay sa aking role dahil marami akong itinatagong mabibigat na nasa loob ko, nailabas ko lahat dito sa movie na ito,” aniya pa.

Kasama rin sa When Magic Hurts sina Claudine Barretto, Dennis Padilla, Soliman Cruz, Archi Adamos, Panteen Palanca, Whitney Tayson, at Julian Roxas. Ipalalabas ito sa mga sinehan nationwide sa Abril. (Maricris Valdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …