I-FLEX
ni Jun Nardo
BUMAWI ang GMA Network sa Baliwag, Bulacan nang maglagay ng isang eksena sa Abot Kamay Na Pangarap tungkol sa syudad nila.
Sa isang eksena, muling nabanggit ni Jackie Lou Blanco bilang si Madam Lotus na pabayaan na si Moira (character ni Pinky Amador) na papunta na sa Baliwag.
Sumabad ang isang prisonera at nagsabing, “Madam, taga-Baliwag po ako. Hindi po kami baliw. Mababait at marespeto ang mga tao sa Baliwag!”
Sagot ni Jackie Lou, “Play of words lang ‘yung sinabi ko!”
End of the scene.
Of course, hindi sanay sa gay lingo ang taga-Baliwag kaya naisama ‘yon sa dayalog ng characters.
All is well that ends well!