MA at PA
ni Rommel Placente
AWARE si Lolit Solis na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on ang mga fan nina Daniel Padillaat Kathryn Bernardo sa nangyaring hiwalayan ng dalawa. Kaya nag-share siya ng advice sa mga ito sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Ayon kay Manay Lolit, sana’y sumabay din ang mga fan sa pagmu-move on nina DJ at Kath para matahimik at maging kalmado na ang lahat.
“Ewan ko ba Salve kung bakit parang ang hirap tanggapin ng followers nila na pwede nang magkanya-kanyang lakad sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla,” panimulang mensahe ni Nanay Lolit sa kanyang IG post.
Pagpapatuloy niya, “Puwede na noon so much in love sila, but puwede naman mag-fall out of love ka rin ‘di ba? DC DC
“Puwede that time ang mundo nila para sa kanilang dalawa lang, pero now nakita nila na puwede pala makakita din ng iba,” chika pa ng talent manager.
Ang punto pa ni Nanay Lolit, mga bata pa sina Kathryn at Daniel kaya mag-enjoy na lang muna ang mga ito at mas bigyan ng focus ang kanilang showbiz career.
“Puwede that time ang mundo nila para sa kanilang dalawa lang, pero now nakita nila na puwede pala makakita din ng iba,” chika pa ng talent manager.