Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Maricel Laxa

Donny may lalim umarte

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA talaga si Donny Pangilinan sa mga young actor natin ngayon na may lalim umarte. Sabagay, may pinagmanahan naman siya, dahil mommy niya ang mahusay na aktres na si Maricel Laxa.

Noong napanood namin si Donny sa isang eksena ng seryeng pinagbibidahan nila ni Belle Mariano na Can’t Buy Me Love, na nakita niya ang kanyang inang si Annie (Ina Raymundo) ay grabe ang ipinakitang akting niya. Talagang ang husay-husay niya sa eksenang ‘yun, na walang dialogue kundi nangingilid lang ang luhang nakatitig dito na hindi na nakakakilala sa kanya.

Subdued ang akting doon ni Donny. 

Pinalakpakan namin siya roon at kahit ang dalawang pamangkin naming babae na walang paltos na sumusubabay sa nasabing serye, ay humanga at pumalakpak din kay Donny.  

Sabi nga ni Nina, “tito ang galing naman ni Donny. Pwede siyang ma-nominate sa Star Awards For TV ninyo for Best Actor.”

Na sinegundahan naman ng ate niyang si TintIn ng, “hindi lang mano-nominate baka manalo pa.”

Sagot ko naman sa kanila, bilang isa sa member ng nasabing award-giving body, ‘Posible nga (na ma-nominate si Donny). Pero marami naman kaming nagbobotohan. Tingnan na lang natin. Pero sana nga ma-nominate siya dahil mahusay naman talaga siya at kahit si Belle, ay magaling din. ‘Pag na-nominate siya for Best Actor, inform ko agad kayo.’

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …