Saturday , November 16 2024

SSS revenue target para sa 2023, lumagpas sa 9.5 percent

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAKATUTUWA ang napaulat nitong nagdaang linggo kaugnay sa  koleksyon “revenue”  ng Social Security System (SSS) para sa taong 2023. Yes, good news ito sapagkat ang hindi matatawaran accomplishment na ito ng mga nasa likod ng tagumpay, ang makikinabang ay ang milyon-milyong miyembro ng SSS.

E, ano ba iyong good news? Ano lang naman, dahil sa kasipagan at pagkakaisa ng bumubuo ng SSS sa pamumuno ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, hindi lang naabot ng ahensya ang kanilang target na kolesyon para sa taong 2023 at sa halip ay nalagpasan ng ahensya ang kanilang target collection.

Magandang balita nga iyan lalo na sa mga miyembro ng SSS dahil sila o tayo ang siyang makikinabang nito.

Umabot lang naman sa P362.20 billion ang nalikom ng SSS kung saan nalagpasan ang target nito na P330.80 billion. Lumagpas sa 9.5 porsiyento ang nakolekta bunga ng pagkakaisa at pagsisikap ng lahat sa pangongolekta ng premiums at sa investmentS ng ahensya.

‘Ika nga ni Macasaet, ang (P362.20 billion revenue) ang pinakamataas na nakamit ng ahensya….(the highest revenue so far attained by SSS). Wow! Isa lang ang ibig sabihin nito, magaling at magandang ang mapapalakad ni Macasaet sa ahensya – kuha niya ang suporta ng lahat – mula opisyal pababa sa mga kawani.

“Our 2023 financial performance is indicative of the efforts of the SSS management and employees in intensifying its collection activities and the prudent management of our investments. The P309.12-billion contribution collection exceeds our 2023 target of P294.49 by P14.62 billion. It is 18.2 percent higher than the P261.44 billion collected in 2022,” pahayag ni Macasaet.

Sa 2023 unaudited financial statement, ani Macasaet, ang kontribusyon ay ang nananatiling pangunahing pinagmulang ng mataas na koleksyon na P309.12 billion.

“This is attributed to new paying members, improved collection from delinquent employers, and the 2023 contribution rate hike. Additionally, the remaining P53.08 billion came from revenue from investments,”  dagdag ni Macasaet.

Ayon naman kay SSS Executive Vice President for Branch Operations Sector Voltaire P. Agas, ang P10.48 billion ay mula sa kontribusyon ng mga bagong miyembro ng ahensya na may bilang na 1.4M.

“New initiatives were implemented to expand the SSS membership and to reach out to more workers. As a result, at least 1.4 million new members were added to SSS in 2023,” pahayag ni Agas.

Heto pa ang pinagmulang ng mataas na koleksyon – ang pinaigting kampanya o paghahabol ng ahensya sa mga delinkuwenteng employers sa pamamagitan ng Run After Contribution Evaders (RACE). Target ng RACE ay iyong mga employer na hindi nag-remit ng kontribusyon sa kabila ng kinakaltasan nila ang kanilang mga empleyado.

Ipinatupad ang RACE nationwide – lahat ng sangay ng SSS sa bansa ay kumilos laban sa mga delinkuwenteng employer.

Sa SSS, President/CEO Macasaet, sampu ng bumubuo ng ahensya sa buong bansa…maraming salamat. E sino pa nga ba ang makikinabang dito kung hindi kaming mga miyembro. Saludo ang bayan sa inyo lalo na rin sa ginawa ng SSS na paghahabol sa mga delingkuwenteng employer.

Congratulations!

About Almar Danguilan

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …