DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang nalambat makaraang kumagat ang mga ito sa isinagawang buy- bust operation ng pulisya sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong 10:10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez ng buy- bust operation sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtranksaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.\
Nang tanggapin ng mga ito ang markadong salapi mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba sina alyas Maroy at Bugoy.
Ayon kay Cpt. Sanchez, nakumpiska sa mga suspek ang aabot 5.3 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P36,040.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Rommel Sales)