Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Teejay klik na sa ‘Pinas

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Teejay Marquez sa cast ng pelikulang After All na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Beauty Gonzales. Mula ito sa direksiyon ni Adolf Alix

Ako po si  Joey. Mommy ko po rito si Miss Beauty, bilang si Ina.  Best friend ko rito si Kelvin bilang si Joseph. At  jowa ko rin dito si Miss Devon,” sabi ni Teejay.

Bukod kay Devon, karelasyon din ni Teejay sa pelikula si Kelvin.

Medyo challenging ‘yung role ko rito kasi ka-tringle ko sina Kelvin at Miss Beauty. Iisa ‘yung lalaking minamahal namin ni Miss Beauty,” ani Teejay.

Sa pelikula ay may kissing scene sina Beauty at Kelvin. Kaya tinanong namin si Teejay kung may kissing scene rin ba sila ni Kelvin sa pelikula, dahil lovers din sila? 

Sagot niya na natatawa, “Ay abangan ninyo po ‘yan. Dapat ninyo pong abangan ‘yan. Kaya dapat manood kayo para malaman ninyo kung may kissing scene ba kami rito.”

Hindi na bago kay Teejay na gumanap sa role na may karelasyong kapwa niya lalaki. Nakagawa na kasi siya ng BL series na kapareha si Jerome Ponce, ang Ben X Jim na naging successful nang ipalabas ito sa Regal Entertainment Channel.

Noong syinyut namin ito, kasagsagan ng Ben X Jim. ‘Yun ang isa sa reason kung bakit ako kinuha rito.

“Hindi naman ito ginawa ngayon, matagal na namin itong sinyut. Happy ako na finally ay mapapanood na ang pelikulang pinaghirapan namin.”

Pero siyempre, ayaw naman ni Teejay na puro ganoon na lang ang gagampananan niya, na ang kapareha ay kapwa niya aktor. Kaya natutuwa siya na sa serye nila na Makiling, ay lalaki ang role niya.

Bukod sa ‘Pinas ay may career din sa Indonesia si Teejay. Nakagawa na rin siya roon ng mga serye. Kaya kilalang-kilala na rin siya roon. 

Suwerte ko lang po, nakasama ko sa teleserye ‘yung mga Superstar sa Indonesia. Malalaking artista po talaga ‘yung nakakatrabaho ko roon. 

“I’m just so thankful na ‘yung ‘Meteor Garden’ version ng Indonesia, ay nakasama ako. So, naangat po talaga ‘yung pangalan ko noong napasama ako roon.

“Sobrang thankful po ako sa management ko roon.”

Natutuwa si Teejay na naging ka-close  niya ang mga sikat na aktor na nakakatrabaho niya sa Indonesia.

“’Yung mga nakasama ko po sa ‘Meteor Garden,’ sila po ‘yung mga naging ka-close ko. Tinatanong nga nila ako, ‘kailan ka babalik dito? Trabaho tayo ulit.’ Sabi ko, ‘sige, tatapusin ko lang ‘yung mga trabaho ko rito.’

“Nakikita naman nila ‘yung mga post ko, eh. Open naman ako sa social media, na may mga ginagawa ako rito. So they’re happy na ‘yung dating sinasabi nila na ‘bakit sa Pilipinas kaunti lang ‘yung projet mo?’ Now, nakikita nila na nagkaka-project ako,” sabi pa ng magaling at gwapong aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …