Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu

Kim naiyak, nakapag-move on na kaya?

MA at PA
ni Rommel Placente

SA episode ng It’s Showtime noong Valentine’s Day, Wednesday, ay hindi napigilan ng isa sa host nitong si Kim Chiu na maiyak habang nagsasalita tungkol sa pagmu-move on kapag nawala ang isang taong minamahal.

Sabi ni Kim, naniniwala siyang anumang pangyayari sa buhay ng isang tao ay itinakdang mangyari.

Naglabas ng kanyang saloobin si Kim sa Expecially for You segment ng It’s Showtime.

Ang searcher ay si Fe, isang babaeng pinagtaksilan noon ng asawa para sa iba.

Nagkahiwalay sila, pero nagkabalikan matapos ang pitong taon.

Sinabi ni Fe na tinanggap niya ang mister para sa kanilang mga anak at dahil mahal pa niya ito.

Pero nagkaroon ng chronic kidney disease ang asawa at sa pangalawang pagkakataon ay iniwan siya nito. Pumanaw ang kanyang mister noong pandemic.

Naniniwala si Fe na kaya nagkahiwalay sila noong unang beses ay para maging matibay siya sa pangalawang beses na paglisan ng asawa.

Umantig ang kuwentong ito sa mga host, kabilang na si Kim.

Sa puntong iyon, nagsalita si Vice Ganda tungkol sa hirap ng pagmu-move on kapag naiwan ng minamahal.

Ang hirap. Pinipilit mong mag-move on pero kahit saan ka magpunta, kahit anong gawin mo, nakikita at nararamdaman mo siya,” sabi ni Vice.

Sa puntong iyon ay nagsalita si Kim. Bakas ang bigat sa dibdib ni Kim habang nagsasalita kaya bigla na lamang siyang naiyak.

Binanggit ni Kim na mas magiging madali ang pagmu-move on kapag tinanggap ng tao na ang anumang pangyayari sa ating buhay ay nakatakdang mangyayari.

Sabi ni Kim, “At saka lahat ng nangyayari sa buhay natin, ‘di naman ‘yon by chance or by accident.”

Sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Kim ang pag-iyak at bumuhos na ang kanyang luha.

Lahat naman ng nangyayari sa buhay natin is written. Ginawa na ‘yon bago pa man tayo ipinanganak,” sabi pa niya.

Naniniwala sa Kim na kapag ganito ang pag-iisip ng isang tao, “mas madaling tanggapin ang lahat ng bagay.”

Pagpapatuloy ni Kim, kahit nawala ang mister ni Fe sa pangalawang beses ay nakatulong naman ito para maging mas matatag siya.

Paliwanag pa ni Kim, “So, parang lahat ng nangyayari sa bawat tao, like si Mommy Fe, hindi naman nangyari ang paghihiwalay nila by accident.

“Sadyang itinadhana ‘yon and then ibinalik sa kanya, and then tinanggal uli sa kanya, and that made her strong.”

Pagsegunda ni Vice kay Kim, “And hopefully ma-realize natin ‘yon kung bakit ‘yun nangyari. Eventually, ma-realize nating lahat.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …