Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristy Fermin Bea Alonzo Dominic Roque

Cristy pinalagan paninisi nina Bea at Dominic sa press

MA at PA
ni Rommel Placente

SA ginawang joint official statement ng dating magkarelasyon na Bea Alonzo at Dominic Roque na kinompirma ang hiwalayan nila, ay nag-react si Cristy Fermin. May parte kasi rito na sinabi ng dalawa, na may ilang tao na nag-confirm na break na sila na hindi man lang hiningi ang kanilang consent o ipinaalam sa kanila. 

Sina Boy Abunda at Ogie Diaz, ang unang nag-confirm sa publiko na hiwalay na ang dalawa sa pamamagitan ng kanyang talk show na Fast Talk With Boy Abunda.

Feeling ni Nanay Cristy, sinisisi pa ng ex-celebrity couple ang showbiz press sa pagkalat ng balitang hiwalay na sila at hindi na matutuloy ang kanilang kasal.

Sa episode ng Cristy Ferminute nitong nagdaang Lunes, February 12, sana raw ay nagsalita agad sina Bea at Dominic tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kung bakit naman kasi pinatawing-tawing n’yo pa ang panahon. Tapos ngayon sisisihin n’yo na naman mga press people? Social media bashers na naman?” ang diretsahang sabi ni Nanay Cristy.

Knows daw ng premyadong showbiz columnist at content creator kung sino ang tinutukoy nina Bea sa kanilang official statement hinggil sa mga taong nagkompirma ng kanilang break-up ng walang pahintulot.

Ako, ang aking sakop, ‘yung politiko. Sa politiko, ipaglalaban ko ‘yan. Kakantahan ko ng ‘Ipaglalaban Ko’ ‘yan hanggang sa dulo ng mundo,” ang natatawa pang chika ni Nanay Cristy.

Ang tinutukoy niya ay ang personalidad na nagmamay-ari raw ng condo unit na tinitirhan ngayon ni Dominic.

Hirit pa ni Nanay Cristy kay Bea, “Pero para sisihin mo ‘yong mga tao na unang nagsalita tungkol sa hiwalayan, parang hindi yata maganda sa panlasa.

“Inunahan n’yo na dapat ‘yan. Inagapan ninyo para wala kayong sinisisi,” dugtong pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …