MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI nakalimutang banggitin ni Daniel Padilla ang pangalan ng kanyang dating ka-loveteam at karelasyong si Kathryn Bernardo sa mga taong pinasalamatan niya matapos ang muling pagpirma ng exclusive contract sa ABS-CBN noong Lunes, February 12, na dinaluhan ng mga bossing ng Kapamilya.
Present sa contract signing sina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, chairman Mark Lopez, COO for Broadcast Cory Vidanes, CFO Rick Tan, and Star Magic head Laurenti Dyogi. Naroon din ang manager ni DJ na si Luz Bagalacsa at ang nanay niyang si Karla Estrada.
“Unang-una gusto ko pong magpasalamat sa aking mga boss sa tiwala po na ibinibigay niyo. At hindi lang po tiwala para sa trabaho, kung hindi sa totoong pagmamahal na ibinibigay niyo. Maraming, maraming salamat,” mensahe ni DJ.
Kasunod nito, pinasalamatan na nga niya si Kath, “Hinding-hindi ko makalilimutan si Kathryn. Maraming salamat sa maraming taon na pinagsamahan. Hinding-hindi mawawala sa puso ko ang memories at ating adventures at journeys na pinagsamahan. Thank you very much.”
At ang message naman ng aktor sa kanyang mga tagahanga, “I am just very truly grateful sa tiwala at pagmamahal. Sa fans wala na akong hihilingin pa just thankful to you.
“I get random messages kasama ang positive, negative messages magkakasama ‘yan and I truly appreciate that it makes me human. So thank you very much.
“‘Yung mga mensahe niyo ay masakit man – totoo. At ‘yung iba nagbibigay ng positive messages, ang sarap sa puso kung alam niyo lang. Ang dami ko ring natutunan sa inyo.
“I thought ‘yung experiences ko sa buhay ay marami na pero talagang hindi natatapos ang learnings. Experiences in life it brings you down, it brings you back up, ganoon talaga ang buhay.
“Kailangan natin tanggapin na may mga pangyayari na hindi man sang-ayon sa atin, o hindi man natin gusto pero it was bound to happen, ganoon talaga. I think planado ng Diyos ang lahat ng bagay hindi ba at sa kanya ko na lang ibinibigay lahat,” aniya pa.
Nagbigay naman ng mensahe kay DJ si Mr. Katigbak, “When we lost our franchise, may tinext ka sa akin, ‘Salamat po sa inyong pakikipaglaban. Nagawa niyo na po ang lahat. Ngayon ang Diyos na po ang bahala.’
“So Deej, ibabalik ko sa iyo ang message mo sa akin. Masipag kang tao, isang artistang magaling at isang anak na nagmamahal sa kanyang pamilya. Gawin mo ang lahat to be best version of you and then Diyos na ang bahala.
“I’m sure you will achieve bigger and better successes and you will become what God has destined you to be. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa amin sa pamilya mo rito sa ABS-CBN.
“We are grateful that you continue to be our Kapamilya and I want you to know that ABS-CBN will also be here for you always, no matter what,” aniya pa.