Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Charlie Dizon

Carlo tiniyak handang pakasalan si Charlie   

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ITINANGGI ni Carlo Aquino na engaged na sila ng girlfriend na si Charlie Dizon.

Aniya, walang katotohanan na nag-propose na siya sa aktres tulad ng mga kumakalat na balita dahil sa nakitaan lang na may suot-suot itong singsing. 

Hindi galing sa akin ‘yun. Hindi ko alam,” ang natatawang sagot ni Carlo nang usisain siya ng ilang members ng entertainment press na dumalo sa one year celebration ng Beaut­éderm Headquarter at Chinese New Year noong Sabado sa Angeles, Pampanga.  

Iginiit naman ni Charlie at ipinakita na ang suot-suot niyang singsing that time ay sa kanya. “Singsing ko po ito.”  

Nang kulitin si Carlo ukol sa kung kailan ang proposal at kasal, sinabi ng aktor na hindi pa niya masabi kung kailan. Basta ang tiyak, ipaaalam niya sa amin at hindi nila itatago.

Sinabi uli ni Carlo na masaya siya sa relasyon nila ni Charlie. 

“Ayaw kong sabihing umaapaw eh, kasi palaging mayroon pang magpapasaya sa ’yo sa buhay na ito hangga’t hindi pa natatapos,” ani Carlo.

“Masaya kami ni Charlie. Nandoon ako. At saka hindi ako, ‘wag ka masyadong excited’ kasi hindi pa tapos ‘yung buhay mo. May biglang manggugulat sa ’yo riyan,” sabi pa.

Idinagdag pa ni Carlo na naiiba si Charlie bilang Girlfriend, “Palaban kasi, eh. Palaban sa tamang paraan. At saka ang gaan, ang sarap tumawa. Naririnig niyo naman kapag tumatawa. At saka kapag may problema, uupuan, pag-uusapan ng maayos.

“Nag-aaway din kami pero napag-uusapan ng maayos. ‘Yun naman ‘yung pinaka-importante, maglalakad kami, lalabas kami, pag-uusapan namin,” wika pa ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …