Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albee Benitez Ivana Alawi

Mayor Albee nag-sorry kay Ivana, walang relasyon, chance encounter lang ang nangyari

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HUMINGI ng paumanhin si Bacolod City Mayor Albee Benitez  kay Ivana AlawiKasabay nito, itinanggi rin at nilinaw ng alkalde na wala silang relasyon ng Kapamilya sexy actress.

Ani Mayor Albee, isang malaking fake news ang nagpapakalat na mayroon silang relasyon. 

Kumalat sa social media ang ilang pictures ni Mayor Albee na spotted umano sila ni Ivana na magkasama sa Japan. Bukod pa ang chikang marami rin daw nakakita sa kanila na magkasama sa airport kamakailan. May mga nagsasabi ring nakita sina Albee at Ivana na nagbakasyon umano sa Baguio City.

Kaya naman agad nilinaw ni Mayor Albee ang mga naglalabasang balita. Humingi ng sorry ang mayor ng Bacolod kay Ivana gayundin sa pamilya nito sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.  

Narito ang official statement ni Mayor Albee ukol sa kanila ni Ivana.

“I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order. 

“Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter. 

“I apologize to Ms Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life.  There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them. 

“Maraming salamat po.”

Bago pa man nagsalita si Mayor Albee, nauna nang itinanggi ni Ivana ang balitang may relasyon sila ng naturang mayor. Aniya, isang negosyante ang idine-date niya ngayon at hindi politician.

There are posts and issues involving my name. I tried to stay quiet at dumedma na lang dahil sa paniniwala ko na hindi ako dapat magsalita lalo kapag alam ko na wala akong ginagawang masama.

“But because of the false accusations and hurtful words that are being thrown to my Mom and Mona, kinailangan ko nang linawin ang mga bagay.

“HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez,” giit ni Ivana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …