Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Tan Beautederm

Beautéderm Headquarter ni Rhea Tan isang taon na; ambassadors kasamang nag-celebrate 

MATAGUMPAY ang ginawang Chinese New Year (CNY) party ng negosyanteng si Rhea Tan kasama ang celebrities na sina Sam Milby, Carlo Aquino, Sylvia Sanchez, Anne Feo, Alma Concepcion, Ynez Veneracion, Jhaiho, KimSon, Gillian Vicencio, Sunshine Garcia, DJ Chacha, Patricial Tumulak, at Menggay Vlog sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City.

Kasabay ng CNY celebration, nagbigay din ng tips for success si Tan habang ipinagdiriwang ang 1st anniversary ng 7-storey building na nakatayo ang kanyang mga negosyo— Beautéderm, BlancPro, BeautéHaus, Beauté Beanery, at A-List Avenue.

Sabi ni Tan, “Do the things you love with strength. And when success comes, make an impact. That’s our mission — to boost consumer confidence and give back to the community.”

Dagdag pa ng business magnate, “Be consistent. Hindi madali ang magtayo ng negosyo but you have to show up and be consistent. Always listen to your gut and people that genuinely love and support you. Huwag magmadali. It takes time.”

Sa tanong na ano ang kahulugan ng ‘success’ para sa kanya, aniya, “When you see that the community you’re supporting thrives, I count that as personal success.”

Nagkaroon ng building tour kasama ang guests at celebrities na ipinakita ng Beautéderm boss ang Beauté Beanery na nag-o-offer ng premium coffee, drinks, at food items; ang BeautéHaus naman ay kilalang skin clinic na nagpro-provide ng beauty services at treatments; at ang A-List Avenue na nagbebenta ng authentic high-end brands at designer labels.

Patuloy naman ang pamamayagpag ng Beautéderm at BlancPro sa market at plano pa nilang magdagdag ng products na safe at effective.

Samantala, nominado ang nasabing beauty business sa 5th VP Choice Awards for Beauty Cosmetic Brand of the Year na ang botohan ay magsisimula sa March 5 hanggang April 5. (Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …