Sunday , December 22 2024
Ryan Gallagher Ice Seguerra

The Voice USA Season 19 Ryan Gallagher magtatanghal sa Music Museum

PASABOG tiyak ang concert na The Voice of Ryan na magaganap sa Pebrero 17, 2024 sa Music Museum dahil magtatanghal ang The Voice USA season 19 Fan favorite, Ryan Gallagher kasama ang mga pinaka-talented na mga OPM icon sa bansa—ang Concert King na si Martin Nievera, Filipina Soprano na si Lara Maigue, at ang Asia’s acoustic icon Ice Seguerra.

Kilala si Ryan sa nakaaakit na classical voice at sa kakila-kilabot na pag-awit ng The Prayer nina Andrea Bocelli at Celine Dion sa kanyang audtion sa  The Voice USA. Kaya nga agad siyang pinili ni Kelly Clarkson, isa sa mga hurado ng reality show. 

At ngayon narito si Ryan sa Pilipinas para sa kanyang first major concert na prodyus ng Fire and Ice LIVE!

“February is here, and I am overcome with excitement, or are those nerves… haha! Just the fact that I get to share the stage with Martin, Ice, and Lara is a privilege and something I will remember forever. The amount of talent is incredible!”  ani Ryan nang makahuntahan namin ito sa isang lunch mediacon sa Pandan Asian Cafe.

Si Ivan Lee Espinosa, award-winning musician at arranger, ang musical director ni Ryan sa konsiyerto at si Liza Diño naman, nakilala bilang aktres at producer, ang creative director. Si Ice rin ang magiging stage director ng concert. Alam naman natin ang galing ni Ice pagdating sa  musika at sa pagdidireheng concert kaya nakae-excite na makitang ile-level up niya ang concert.

“Prepare to witness a new side of Ryan in this concert, as I am thrilled to share his remarkable versatility. While many know him as an exceptional classical singer, I was pleasantly surprised sa range n’ya as a singer,” ani Ice.

“As the stage director collaborating with my wife Liza as the creative director, my intention was to showcase these diverse qualities in Ryan, which led us to aptly title the show ‘The Voice of Ryan.’ The audience will have the opportunity to experience the various dimensions of his talent, spanning rock, indie, and contemporary genres. Brace yourself for an unforgettable surprise!” nakangiting pagbabahagi pa ni Ice ukol sa kanilang konsiyerto.

“I am all about storytelling. I had the incredible opportunity to be entrusted by Ice to envision and direct the creative direction for ‘Becoming Ice,’ an astounding concert celebrating Ice’s 35th Anniversary. It was a massive success. Regarding ‘THE VOICE OF RYAN,’ my inspiration stems from his remarkable journey, from where he started to where he stands today. While Ryan has always been renowned as a classical singer, we aim to showcase the various facets of his artistry by delving into his influences and tracing his evolution as a musician. Brace yourself for an unforgettable, immersive experience,” excited namang pagbabahagi ni Liza. 

Ang The Voice of Ryan ay handog ng Katinko, suportado ng Baron Method at Phillip’s Fine Jewelry.  Mabibili ang tiket sa Ticketworld na ang mga presyo ay P1,000 (Balcony), P2,000 (orch side), P3,000 (orch gold), P4,000 (orch VIP), P5,000 (orch VVIP).  

Samantala, kasabay ng anunsiyo ng The Voice of Ryan concert ang pagpirma ng kontrata ni Ryan ng talent management sa Fire and Ice

Ani Ryan, sobra siyang blessed and thankful na sa management nina Ice at Liza siya napunta dahil sobra-sobrang alaga ang ginagawa ng celebrity couple sa kanya. Malinaw na nailatag sa kanya ang mga napakaraming plano ng Fire and Ice.

Ikinatutuwa rin ni Ryan ang sunod-sunod niyang guestings kasama na ang kakaibang experience niya sa Wish Bus at sa Eat Bulaga. (Maricris Valdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …