Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Rank 9 MWP arestado sa Valenzuela

SWAK sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki na wanted sa kasong frustrated homicide nang makorner ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Karuhatan ang presensiya ng akusadong si alyas Lando, kabilang sa mga most wanted person ng lungsod.

Alinsunod sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations,” agad inatasan ni WSS chief P/Major Jesus Mansibang ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 5:15 pm sa harap ng South Supermarket, Brgy. Karuhatan.

Ani Major Mansibang, inaresto ang akusado ng kanyang ng mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Lilia Mercedes Encarnacion Aquino-Gepty ng Regional Trial Court (RTC) Branch 75, Valenzuela City noong 25 Enero 2024, sa kasong Frustrated Homicide.

Pansamantalang ipiniit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihinaty ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …