Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Coco Martin Robin Padilla Lito Lapid

Pelikulang pang-MMFF nina Bong, Robin, Coco, at Lito inihahanda na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYA at nagpapasalamat si Sen. Bong Revilla sa napakagandang resulta ng kanilang pilot episode ng weekly action-comedy series sa GMA, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.

Kaya naman tiniyak ng magiting na senador na bawat episode ay talaga namang tiyak ikatutuwa ng mga sumusubaybay sa kanila linggo-linggo na bawat episodes ay may mga pasabog.

Anang senador, gusto niyang tutukan ang action-comedy series para matiyak na de kalidad ang maihahatid nila sa mga televiewers bukod pa sa nagpaplano siyang gumawa ng pelikula. 

“Nagpapasalamat ako sa GMA sa all-out support nila. At ipinakita naman talaga, na sa Episode 1 ng Season 2, talagang punompuno ng action. Akala mo usually inilalagay na ‘yung malaking eksena sa first part ng episode, ‘no? But dito sa atin, towards the end ‘yung laki ng eksena. Kaya dapat panoorin niyo.”  

At dahil hitik sa action, nasabi ni Sen. Bong na hindi siya pang-TV, pampelikula.

Samantala, bukod sa naihayag na niya noon na planong pelikula kasama si Jillian Ward at ang reunion project nila ni Sharon Cuneta, ikinakasa na rin ang maituturing na malaking proyekto na pagsasamahan nila nina Coco Martin, Sen. Robin Padilla, at Sen. Lito Lapid. 

Pinag-uusapan pa lang namin. Basta hintayin na lang natin. Mahirap namang pangunahan natin agad, baka ma-preempt,” katwiran ni Sen. Bong nang kulitin ng mga dumalong entertainment press sa isang mediacon kung pang Metro Manila Film Festival 2024 ba ito? 

Basta tiniyak ng senador na magiging worth it ang mapapanood at paghihintay sa maituturing na malaking proyekto nilang apat.

Sa kabilang banda, isang dinner with family ang magaganap ngayong Valentine’s Day sa kanilang pamilya.

Sa pag-uurirat kay Sen. Bong ukol sa plano nila ng butihing maybahay niyang si Cong. Lani Mercado, nasabi nga nitong magsasama-sama ng kanilang pamilya para sa isang dinner kaya excited na sila lalo ang kanyang asawang si Lani.

“Mayroon nang inihahanda ang aking maybahay, si Lani, with the whole family, doon kami. ‘Yung mga kapatid ko, ‘yung mga anak ko, mga asawa-asawa nila, sama-sama kami sa bahay lang. Mag-iihaw-ihaw kami roon,” anang aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …