Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Audrey Avila Cess Garcia Angelica Hart

Pag-ibig, panlilinlang, pagtakas tampok sa Vivamax ngayong Pebrero

LALONG iinit ang month of love sa dalawang bagong offering ng Vivamax na may mapusok at mapangahas na kuwento, ito ang Takas at Salitan na streaming exclusively sa Vivamax ngayong February.

Isang sexy-drama Vivamax Original Movie ang Takas na mapapanood na simula February 13, 2024. Mula ito sa direksiyon ni Roman Perez Jr., at pinagbibidahan nina Audrey Avila, Cess Garcia, Mon Mendoza, at Rome Guinto

Kuwento ito ng dalawang babae na magpapakalayo-layo para takasan ang isang krimen na hindi nila sinasadyang gawin.

Sina Angel (Audrey) at Lexi (Cess) ay mag-bestfriends na tumakas at nagtatago matapos aksidenteng mapatay ang abusadong boyfriend ng una na si Eric (Rome). Kahit na self-defense ang nangyari, maimpluwensiya at maraming koneksiyon ang pamilya ng lalaki. Dala ng takot, mapagpapasyahan nina Angel at Lexi na takasan ang nangyari at umasang huhupa ang sitwasyon at mamumuhay ulit sila ng normal.

Sa pagdating ng dalawa sa isang bagong lugar, makikilala nila ang gwapo at maginoong si Lemuel (Mon) at agad na magkakagusto si Angel dito. Babalaan siya ni Lexi na ‘wag magtiwala sa kung sino at mag-ingat dahil may iniingitan silang sikreto. Pero hindi matitiis ni Angel ang pagkaakit niya kay Lemuel at magkakaroon sila ng relasyon. Sa pagkahulog ng loob ni Angel kay Lemuel, aabot sa punto na paghihinalaang may gusto rin si Lexi kaya lagi itong humahadlang sa relasyon nila.

Ang hindi alam ni Angel kaya laging nakabantay at nag-aalala si Lexi sa kanya ay hindi lang dahil basta mabuting kaibigan o may gusto rin ito kay Lemuel, kundi mahal niya ang kaibigan higit pa sa inaakala niya at natatatakot lang umamin baka masira ang kanilang pagkakaibigan.  

Samahan sila sa kanilang Takas, streaming exclusively sa Vivamax ngayong February 13.

Sa February 16, alamin naman ang isang istorya ng pag-ibig, panlilinlang, at mga alyansa sa Salitan, isang sexy-romantic drama na idinirehe ni Bobby Bonifacio.

Sa Salitan, may hinala si Annie (Vern Kaye), isang housewife, na nagtataksil sa kanya ang asawang si Albert (Nico Locco), isang abogado. Sinundan niya ito sa Bali, na makikilala ang graphic artist at aspiring actor na si Elmer (Matthew Francisco).

Tutulungan ni Elmer si Annie na hulihin si Albert sa kanyang panloloko, pero magiging komplikado ang kanilang sitwasyon dahil sa one-night stand.

Ipinaalam ni Elmer kay Annie na walang kabit si Albert, na hindi inaasahang ikinalungkot ni Annie. Gusto ni Annie na magkatotoo ang affair ni Albert para mabawasan ang kanyang nararamdaman mula sa pagkakasala nila ni Elmer.

Sa likod ng ipinakikitang kabutihan ni Elmer kay Annie ay isang magulong pag-ibig ang naghihintay. 

Para i-stream ang Takas at Salitan, pumunta lamang sa web.vivamax.net o maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …