Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maris Racal Anthony Jennings

Maris pressured kapag tinatawag na The New RomCom Queen

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Maris Racal sa interbyu sa kanya ng ABS-CBN News na malaking pressure kapag tinatawag siyang The New RomCom Queen. 

Nagpakatotoo ang dalaga sa pagsasabing parang hindi pa niya deserve ang tawaging bagong reyna ng romcom sa Philippine showbiz.

Ito’y sa gitna nga ng tinatamasang kasikatan ng tambalan nila ni Anthony Jennings sa hit ABS-CBNseries na Can’t Buy Me Love, na pinagbibidahan ng loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Sey ni Maris, hindi naman siya nape-pressure sa loveteam nila ni Anthony, mas pressured siya sa titulong Rom-Com Queen ng bagong henerasyon.

Ayun ‘yung nakaka-pressure! Kasi this country sobrang love nila ang rom-com parang hindi ko pa keri ‘yung crown!” katwiran ni Maris.

Inamin din niya na hindi niya ini-expect na magiging mainit ang pagtanggap ng manonood sa tambalan nila ni Anthony na ginagampanan nila ang mga karakter nina Irene Chiu at Snoop.

Ngayon nga ay tinatawag na sila ng kanilang fans na “SnoopRene” at talagang palaging trending ang mga nakakikilig at nakaka-good vibes nilang mga eksena sa serye.

Actually until now hindi ako makapaniwala kasi it was all unplanned. Nagkaroon lang kami ng eksena na nakaapak ako ng poop and natuwa naman ako.

“Kasi hindi naman laging may makakatambal ka na magwo-work and ‘yung humor niyo and very happy ako sa support ng mga tao,” anang dalaga.

Kino-consider din ng dalaga ang karakter niya sa CBML na biggest role niya to date, “There are different categories kasi sa teleserye.

“The first I played sa ‘Pamilya Ko’ si Peachy Magbunga, and then ito naman, dumating si Irene. I think I can say na ito na ang biggest role ko sa teleserye.”

Tungkol naman sa kasikatan ng loveteam nila ni Anthony, wala naman siyang napi-feel na pressure. In fact, excited pa nga siya sa mga susunod na kaganapan sa SnoopRene.

I don’t feel any pressure naman, hindi ako nape-pressure, naha-happy ako every time may scenes kami ni Anthony.

“Parang very challenging in a good way, na gandahan natin kaysa last. So, looking forward ako palagi,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …