Sunday , December 22 2024
Aga Muhlach

Pelikula ni Aga ‘di naghilahod sa takilya

HATAWAN
ni Ed de Leon

UY hindi naman naghilahod sa takilya ang pelikula ni Aga Muhlach na ipinalabas na sa mga sinehan noong Miyerkoles, Pebrero 7. Ang sinabi sa amin, “hindi kasing lakas ng mga pelikula noong festival, pero malayo naman siya sa mga post festival movies na naghingalong lahat. Huwag lang mane-nega ng pelikula, magiging ok na iyan?

Malakas naman talaga ang batak ni Aga sa takilya hanggang sa ngayon, pero siyempre depende rin iyon sa project at sa mga makakasama niyang artista sa pelikula. Kung si Aga ok lang dahil good karma iyan eh, pero kung may kasama siyang may bad karma ibang usapan na iyon.

Kami naniniwaola sa ganyan, lalo na kung ang kalaban mo ay magulang mo, napakabigat sa kabuhayan niyan. Tingnan ninyo si Matteo Guidicelli, ang ganda ng career niyang batang iyan, pero dahil sa nangyari sa mga magulang ni Sarah Geronimo noong magpakasal sila na ang magulang ay naitsapuwera, tingnan ninyo kung ano ang epekto sa career nila. May naging hit song na ba o malaking hit na pelikula si Sarah mula noon? Ano ang kinalabasan ng pelikulang Penduko noong festival? Palagay namin, mas kumita iyon kung natuloy na si James Reid ang bida kahit na saksakan pa ng yabang ang batang iyon.

At least, natutuwa kami para kay Aga, hindi siya nasilat sa pagsisimula ng 2024.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …