Friday , November 15 2024
Liza Soberano James Reid Issa Pressman

James at Issa malayo pang magpakasal; ‘di apektado ng sangkaterbang bashing

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SINUPORTAHAN ng magkasintahang James Reid at Issa Pressman si Liza Soberano sa celebrity red carpet screening ng debut Hollywood movie nitong Lisa Frankenstein noong Martes na isinagawa sa SM Aura.

Wala man si Liza sa red carpet screening dahil kasabay ang pagsasagawa ng premiere night ng pelikula sa Amerika, buong-buo ang suporta ng dalawa. 

At dahil minsan lang namin makita ang dalawa, inurirat na namin ang mga ito ukol sa kanilang relasyon.

Hiyang-hiya at kinakabahang humarap si Issa pero lahat ng tanong na ibinato sa kanya ng entertainment press ay sinagot nito.

Aniya, wala pa silang planong magpakasal at bumuo ng sariling pamilya ni James. Gusto muna kasi nilang i-enjoy ang kanilang relasyon bilang boyfriend-girlfriend.

Nang matanong si Issa ukol sa kanilang relasyon ni James, sumagot ito ng, “We’re good. Smooth and steady.”

Marami palang bagay na parehong gusto sila ni James tulad ng pagwo-workout at morning walks. Pareho rin silang mahilig sa music and arts.

Pinuri rin ni Issa si James bilang isang “good partner” dahil napatunayan niya kung hanggang saan siya kayang ipagtanggol ng actor.

Tulad nang ma-bash siya matapos nilang aminin ang kanilang relasyon.

Nakakatakot before. It feels relieving. At least ngayon nakakahinga na ako. It was quite tough, it was really rough. Now I just feel that there is more love around.

Ang galing niya mag-support. I don’t think I’d be able to get through all of these if not for him, the support, security that he’s able to give.

“Not everyone knows but he’s very, very wise. The words that he gives to me are fulfilling. You feel secure, you feel safe,” buong pagmamalaking sabi ng kapatid ni Yassi Pressman.

“I cannot control them naman ‘di ba? I cannot control how they speak or what they want to say. But what I can control is how I accept those things,” sabi pa ni Issa at sinabing hindi siya pumapatol at nagpapaapekto sa mga hater sa socmed.

I don’t put my energy into that. 

Hindi kasi ako ma-online sa mga chismis or stuff like that.

“Narinig ko na lang afterwards na nali-link pala sila before. You know naman showbiz nali-link sila to everyone,” ukol naman sa nang matsismis sina Liza at James.

Sa tanong kung napag-uusapan na nila ang kasal ni James, “Wala pa kasi I’m 26 and we discussed together na we’re building like a good foundation with each other.

“And we want to go through like all the experiences, step by step,” sabi pa ng dalaga.

Wala namang interes na pasukin ni Issa ang pag-arte. Mas gusto niya ang ang pagpo-produce, art at creative direction

Showing na ngayon sa mga sinehan ang first Hollywood movie ni Liza na Lisa Frankenstein mula sa Universal Studios.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …