HUMINGI pa ng dispensa si Bea Alonzo at nagpasalamat sa kanyang ex na si Dominic Roque na naintindihan rin niyon ang bigla niyang hindi pagpapakasal later this year.
Inamin ni Bea na naisip niyang hindi pa siya handa, at baka hindi rin naman siya maging maligaya kay Dominic kapag nakasama niya habambuhay. Isipin mo, ang tagal nilang magsyota, tapos ngayon lang niya naisip hindi pala siya magiging maligaya kay Dominic.
Eh si Dominic buo na ang plano, pati mga magiging bisita nila sa kasal, kaya nasabi nga niyang kukumbidahin nila si Kathryn Bernardo pero hindi si Daniel Padilla, tapos wala palang mangyayaring kasalan?
Ang tanungan nga ngayon, sino kaya ang naka-usog kay Bea at bigla niyong tinanggihan si Dominic? Paano ba niya nalamang hindi siya magiging maligaya kung si Dominic ang mapapangasawa niya?
Kung ang nagsangguni siya sa isang Feng Shui master, tiyak na sasabihin sa kanyang magandang pakasal ngayon dahil Year of the Dragon. Puwera na lang kung nagpahula siya o nagpatawas siya at sinabing hindi siya kayang paligayahin ni Dominic? At bakit naman daw hindi siya liligaya kay Dominic?
Sabi nga ng isang matandang showbiz gay, mas maganda pa nga ang bukol ni Dominic basta naka-brief kaysa kay Gerald Anderson eh.
Naku ewan wala na kaming pakialam dyan.