ni Ed de Leon
HABANG nagkakalikot sila ng Facebook, ang isang gupo ng mga nagtatrabaho sa isang hotel sa Quezon city ay nagsabing, “Iyang lalaking iyan sa picture, madalas iyang nagpupunta sa hotel namin. Mag-isa lang siya kung dumating pero nagpupunta sa room ang isang may edad na bading.”
Tapos aalis din naman siyang mag-isa after mga three to four hours. Tapos iyong bading naman na naka-book for six hours, magche-check out na rin pagkalabas ng bagets. Obvious na may milagro ang bagets, kompirmadong for hire iyan.
Madalas pa nga ang order niyang pagkain ay tapsilog at chicharong bulaklak.
Marami naman kasing mga starlet na suma-sideline sa ganyan, ang katuwiran nila lalaki naman sila at walang mawawala. Isa pa, babayaran lang sila sa mga indie ng P5k-P6k dahil wala pa naman silang name. Eh basta artista sila mahina ang P10k sa isang sideline nila na tatlong oras lang naman, at kung minsan nga ay wala pa kung “car fun” lang.
Sabi nga sa kanta ni Ric Manrique “mahiwaga ang buhay ng tao.”