Wednesday , January 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP QCPD

3 wanted arestado ng QCPD

BUNGA ng pinaigting na kampanya ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa mga  most wanted person, tatlong katao ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest.

Sa ulat kay QCPD Director, PBGEN Redrico A Maranan ang tatlong naaresto ay kabilang sa talaan na Station Level Most Wanted Persons ng pulisya.

Ayon kay QCPD Talipapa Police Station (PS 3) Station Commander PLTCOL Morgan Aguilar, nadakip ng kanyang mga operatiba ang maituturing No. 8 at No. 9 Most Wanted Persons sa talaan ng kanilang istasyon. Kinilala ang dalawa na sina Leonardo Manao Dela Cruz, 30, at Rosalyn Garcia Demillo, 34, kapwa residente ng Brgy. Baesa, Quezon City.

Ang dalawa ay nadakip dakong 8:00 PM at 8:30 PM nitong Pebrero 7, 2024 sa Dominga Village, Brgy. Baesa, Quezon City at sa Roosevelt Ave., Brgy. San Antonio, Quezon City.

Ayon kay Aguilar, ang dalawa ay may pending warrant of arrest para sa kasong  Robbery na inilabas ni Hon. Zita Marie Magunday Atienza Fajardo ng Branch 224, Regional Trial Court (RTC), Quezon City.

Samantala, nasakote naman ang ika-5 most wanted person sa talaan ng  Anonas Police Station 9.

Kinilala ni Anonas Police Station (PS 9) station Commander PLTCOL Ferdinand Casiano ang nadakip na si Kevin Flor, 29, residente ng Brgy. Pansol Quezon City. Siya ay dinakip bandang 4:30 PM, Pebrero 7, 2024 sa Sitio 5, Brgy. Bagong Bayan, Sta Cruz, Laguna.

Si Flor ay may pending Warrant of Arrest sa paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na inisyu ni Hon. Judge Felino Zabala Elefante ng Branch 103, RTC, Quezon City.

“Walang sinuman ang maaaring makatakas sa mahabang kamay ng batas. Kung kaya’t sisikapin nating dakpin at panagutin ang iba pang mga wanted persons sa lalong madaling panahon. Malaking bagay ang unti unting pagkakahuli ng mga wanted persons na ito na involved sa robbery at umaasa tayo na mababawasan na ang serye ng nakawan sa ating lungsod,” pahayag ni Maranan. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …

Arrest Posas Handcuff

Murder suspect sa Bulacan tiklo sa Nueva Ecija

NADAKIP ng mga awtoridad sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 3 …

PNP Nartatez P1.5B unregistered tobacco

₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas

Isang Malaking Operasyon sa Simula ng Taon Hindi nagkataon ang ₱1.5 bilyong pagkakasamsam ng mga …

Goitia BBM WPS China

Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas

Lumang Mensahe, Ibinenta Bilang Bago Ang pagtatangkang ipinta ng Tsina ang kontrol nito sa Scarborough …