BILANG pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, isang special award ang ibibigay sa 7th edition ng The EDDYS o Entertainment Choice.
Ito ang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ilang buwan bago maganap ang 7th The EDDYS sa darating na July, 2024.
Dito ay bibigyang-pugay ng The EDDYS ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan para muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.
“With our new award, ‘The EDDYS Box Office Heroes,’ we want to honor the stars of films that brought audiences back to theaters,” ayon sa bagong Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.
“We at SPEEd believe this recognition will encourage film production entities to create movies that are both commercially viable and impactful.
“By acknowledging the contributions of those who helped revive cinema attendance, SPEEd aims to inspire the industry to continue producing films that captivate and engage viewers,” dagdag pa ni Asis.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals sa Pilipinas.
Ang pamamahagi ng parangal ng SPEED sa pamamagitan The EDDYS ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.