SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MAHUSAY na talagang umarte si Liza Soberano at napatunayan niya ito sa Hollywood debut niyang horror-comedy film na Lisa Frankenstein ng Focus Features at Universal Pictures International.
Kasabay nito, sinuportahan ni Enrique Gil si Liza sa special screening ng Lisa Frankenstein noong Martes ng gabi sa SM Aura nang dumating ito para manood. Wala si Soberano dahil kasabay ang premiere night ng pelikula nila sa US. Kaya naman talagang hinangaan namin si Enrique sa suportang ibinigay sa girlfriend.
Ani Enrique, “I feel so excited, I mean I’m super-super-happy for Liza, and you know this has always been her dream and for her to be living her dreams, it just means the world to me. Super-happy.
“I’m so happy, I just can’t believe it, you know. We were just there in New Orleans shooting for her film and just to be here now for a premier night, it just doesn’t feel real, you know,” masayang tsika ni Quen.
Iginiit din ni Enrique na kahit ano ang mangyari, susuportahan niya ang GF anuman ang gusto nitong gawin, mananatili siyang supporter nito hanggang sa mamatay siya.
“I’ve always been a supporter ever since day 1, so sabi ko talaga, ‘till I die, I will always, always support Hopie (Liza’s nickname),” sabi pa ni Quen na umaasang ang Lisa Frankestein na ang simula ng tagumpay ng Hollywood career ni Liza.
Ang debut movie ni Liza ay mula sa malikhaing pag-iisip ng anak ng aktor na si Robin Williams, ang first-time feature director, na si Zelda Williams at ng Academy Award®-winning screenwriter na si Diablo Cody.
Ang Lisa Frankenstein ay hango sa novela ni Mary Shelley’s 1818 classic. Ang bagong pelikula ay nagsimula sa 1989 suburbia na ang isang high school senior na si Lisa Swallows ay madalas tumambay sa isang abandonadong Bachelor’s Grove cemetery na roon nakalibong ang isang tin-edyer na namatay na ng ilang dekada—isang unconventional pastime na nangangakong magpapabago ng ikot ng kanyang buhay.
Tampok sina Kathryn Newton na nagbida sa mga pelikulang Big Little Lies at Ant-Man And The Wasp: Quantumania, at Cole Sprouse, na hinangaan sa kanyang naging pagganap sa The Suite Life Of Zack & Cody at sa CW’s Riverdale. First time nagkasama ang dalawa.
Isinentro ni Cody, na nagwagi ng Academy at BAFTA Award sa kanyang 2007’s Juno, ang Lisa Frankenstein kay Lisa Swallows (Newton), na aksidenteng nabuhay ang isang poging bangkay mula sa Victorian era. Ito si Sprouse, na aksidenteng tinamaan ng kidlat ang libingan kaya nabuhay at bumangon mula sa kinalilibingan.
Nagtungo ito sa bahay nina Lisa at para mabuo ang ilang parteng kulang sa bangkay ay nakagagawa sila ng mga kahindik-hindik na krimen.
Isa itong unique coming-of-rage love story na mayroong backdrop ng 1980s habang isinasama ang elemento ng comedy, romance, at fantasy. Si Soberano naman si Taffy, ang stepsister ni Lisa.
“I met Zelda in a trip to LA, and she brought up this project. I was instantly hooked,” ani Soberank. “It’s amazing because the day I met her was the same day the studio greenlit the project. When she found out it was a go, ‘They’ve got their main leads lined-up. They were looking to fill other roles. How about auditioning for one?’ I was like, ‘Sure, let me check out the script. If it’s something that interests me, I’m in.’ And when I saw Diablo Cody was on board, I just had to audition for it.”
Sa totoo lang, hindi maitago ni Soberano ang excitement at nagpapasalamat siya sa oprotunidad na ito. “It’s set in the 80s, so the whole look—the hair, makeup—is totally 80s, which is new for me,” she says. “It’s the kind of movie I’ve always wanted to do. It has horror, comedy, and romance in one. I was looking for a role that would really push me. Sure, it’s a huge risk for my career, but that’s what’s exciting about it. I know I’ve learned a lot no matter how it turns out. That’s what counts.”
In terms of acting, kahanga-hanga si Soberano dahil talaga namang hindi siya nagpahuli. Maganda ang role niya, mahaba at madalas nga nasasapawan niya ang bidang si Kathryn na hindi naman siguro siya aware dahil iniaarte niya lamang ang hinihingi ng kanyang karakter.
Isa sa favorite scene namin iyong nabisto ni Kathryn si Soberano na karelasyon pala ng crush niya sa school. Doo’y maayos na naipakita ni Soberano at naideliver ang linyahang mapi-feel ang totoong paghingi ng sorry sa half sister. Ganoon din ang eksena ukol sa kanyang ina na biglang naglaho.
Tampok din sa pelikula sina Joe Chrest (Stranger Things), Henry Eikenberry (The Crowded Room), at Carla Gugino (San Andreas).
Ang advanced screening ay sinuportahan ng Maya at SM Cinemas. Mapapanood na ito sa mga sinehan nationwide.