Sunday , December 22 2024
Kathryn Bernardo

Kathryn isinikreto pagpapa-aral sa dating child star sa Goin’ Bulilit

MA at PA
ni Rommel Placente

KAYA naman pala blessed ang isang Kathryn Bernardo dahil matulungin ito. Isang dating ka-batch niya sa dating kiddie gag show na Goin’ Bulilit ang kapos sa pinansiyal ang pinagtapos niya ng pag-aaral. Naka-graduate ng kolehiyo ang dating child star sa tulong ni Kath.

Nang mag-renew ng kontrata si Kathryn sa Star Magic, isang video message mula sa direktor ng Goin’ Bulilit na si Edgar Mortiz ang nagkuwento tungkol sa kabaitan at pagiging matulungin ni Kathryn.

Sabi ni Direk Edgar, “Ang hindi ko alam na ginagawa pala ni Kathryn na natuwa ako, nakita ko ‘yung nanay ng isang ‘Bulilit’ tapos ikinuwento niya sa ‘kin na noong namatay ang tatay ng ‘Bulilit’ na ‘to, ang nagpa-aral sa kanya, si Kathryn. Doon ko lang nalaman.

Tuwang-tuwa ako na, hindi pala siya nakalimot sa mga kasama niya. Proud na proud ako kay Kathryn,”pagbabahagi ng veteran actor at direktor.

Ayon naman kay Kath, tinupad lang niya ang pangarap ng tatay ng kanyang dating kasamahan  sa Goin’ Bulilit na makapagtapos ito ng college.

During that time, the dad, naging kaibigan namin ni Mama (Min Bernardo), alam mo ‘yun, sabay kakain and then for a time nag-stop mag-artista ‘yung tao na ‘to.

“And then, naka-receive kami ng message from the mom na ito ‘yung nangyari sa dad at saka hindi na rin siya nag-artista,” kuwento ni Kathryn.

Naniniwala rin ang Kapamilya actress na karapat-dapat tulungan ang dating child star dahil alam niyang matalino at masipag ito. Hindi na lang niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

Bilang nakasama mo, siyempre tutulong ka hangga’t kaya mo. ‘Yun ‘yung promise namin ni Mama sa dad niya na ‘tutulungan ka namin.’

“Kasi ito ‘yung isa sa dreams ng dad niya sa kanya, na makatapos ng college because he’s so smart and alam mo rin ‘yung mga tao na masarap tulungan kasi masipag,” pahayag pa ni Kathryn.

Well, sino kaya ‘yung dating kasamahan ni Kathryn sa Goin Bulilit na tinulungan niyang makapagtapos ng pag-aaral? Nakatutuwa naman siya, may napagtapos pala siya ng pag-aaral pero hindi niya ‘yun ikinukuwento. 

At least siya tumulong ng hindi ipinamalita, ‘di ba? HIndi gaya ng ibang artista, na ipinangangalandakan ang pagtulong para lang mapag-usapan at mapuri na masabihan na matulungin.  

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …