HATAWAN
ni Ed de Leon
MAMA P strikes again.
Nakita sa isang watering hole si Mama P, ang television host, sa Pampanga, kasama niya ang isang bagets na dati ring luamabas sa television pero hindi sumikat.
Noong gabi na at dahil nakainom hindi na maaaring mag-long drive si Mama P, niyaya na lang niyang matulog ang bagets na kasama niya sa isang hotel. Pero hindi rin naman nakatulog ang bagets dahil hindi siya tinantanan ni Mama P hanggang umaga. Pero nagtataka rin ang bagets dahil noon mismong araw na iyon ay napanood pa niya sa telebisyon si Mama P, masiglang-masigla sa pagho-host kahit na ang suot na damit niyon ay iyon ding suot niya nang magkita sila ng bagets the night before. Ang tibay talaga si Mama P.