Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Dominic Roque Engage

Bea at Dominic kompirmadong hiwalay na

CONFIRM! Totoo ang mga hinuha ng netizens ukol kina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Kahapon, kinompirma ni Boy Abunda na hiwalay na nga sina Bea at Dominic sa pamamagitan ng kanyang Fast Talk with Boy Abunda.

Ani Kuya Boy, “Isa pang balita na talagang nakalulungkot, sumindak sa akin habang ako ay nasa Hong Kong, ang balita pong naghiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.”

Matagal nang kaibigan at kilala ni Kuya Boy ang dalawa kaya naman aniya nalungkot siya sa nangyari.

Kuwento ni Kuya Boy, madalas nila noong napag-uusapan ni Bea ang ukol sa kanilang future plans ni Dominic.

Madalas kapag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakuwentuhan po kami tungkol sa buhay, their marriage plans, so I was shocked. Tama si Ogie Diaz, ‘yung kanyang balitang hiwalay na.

“As we talked today, yes, hiwalay na po si Dominic at si Bea,” diretsahang sabi ni Kuya Boy.

Sinabi ni Kuya Boy, inilahad ng kanyang source na kamakailan nag-usap muli sina Dom at Bea para ayusin sana ang dapat ayusin.

They’re trying to understand each other but they are going through a rough patch… My prayer is that may God grant them what is best for them,” ani Kuya Boy.

Yes, I am confirming that hiwalay na sila ngayon at last night or two nights ago, nag-usap ang dalawa (Bea at Dom). Ano ang status? Wala. I think kung tama ang aking source, isinauli na ni Bea ang engagement ring.”

Ikinagulat naman ni Kuya Boy sa lumalabas na tsikang may kinalaman ang prenup agreement sa hiwalayan ng dalawa, dahil matagal na pala itong napag-usapan.

Many months ago, napag-usapan po ito sa aking pagkakaalam and I’d like to confirm this with my friends and sources because when this was being talked about, ‘yung prenup po, ang nag-volunteer sa nanay ni Bea na ok ang prenup ay si Dominic.

“So I don’t think it is or it was an issue unless nabago po ang kuwento. To be fair to Dominic, it was not an issue for Dom,” pagbabahagi pa ni Kuya Boy.

Idinagdag pa ni Kuya Boy na na hindi rin totoo na sa Abril at sa Tagaytay magaganap sana ang kasal. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …