Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anthony Jennings Maris Racal

Anthony namumula, kinikilig ‘pag tinatawag na Kapamilya heartthrob

MA at PA
ni Rommel Placente

BUKOD sa loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang isa pang tambalan na inaabangan/sinusubaybayan sa romantic-comedy series na Can’t Buy Me  Love ay ang kina Anthony Jennings at Maris Racal.  

Sikat na sikat na talaga ngayon ang tambalan ng dalawa na tinawag na SnoopRene, na pinagsamang pangalan ng mga karakter nila (Snoop at Irene) sa serye.

Hiyang-hiya si Anthony kapag tinatawag o sinasabihan na isa na siyang certified Kapamilya heartthrob.

Actually nagugulat nga ako sa mga na-take na namin na scenes, nakakalimutan ko na, bigla na lang mag-trending, lalo na sobrang love ng tao sa ginagawa namin.

“And of course, credit ko rin kay Maris, magaling talaga siya. Sobrang grateful na palagi tinatanggap ng mga tao,” ang pahayag ni Anthony sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Aminado naman ang binata na bigla siyang na-pressure ngayon dahil sa tinatamasang kasikatan lalo pa’t tinatawag na siya ng mga netizen at viewers bilang social media heartthrob.

Hindi ako sanay doon! Namumula ako kapag sinasabihan ako, masarap sa puso na nasasabihan ako.

“First time ko siya ma-experience, nakikilala ako palagi ng mga tao. So, bago sa akin ‘yun, ine-enjoy ko naman ‘yun pero siyempre kailangan stay pa rin tayo sa lupa,” sey pa ni Anthony.

Samantala, nabanggit din ng aktor sa naturang panayam na balak niyang bumalik sa pag-aaral kapag nakapag-ipon na siya ng sapat na pera.

May mga homeschool naman kaya lang siyempre hindi ko na rin maalala, bata pa ako niyon.  Nag-exam lang ako sa DepEd para mag-senior high, so pagpasok ko mag-senior high pa ako.

“Marami akong na-miss out din kailangan ko ma-experience ‘yung mabalikan ko. Feeling ko makatutulong din sa akin ‘yun sa acting, sa personal life ko.

“Siyempre para rin sa ‘kin iba ‘yung may education, may hawak kang ganoon, may options ka rin sa buhay mo,” aniya.

Kino-consider naman ni Anthony na ang pagganap niya bilang Snoop sa Can’t Buy Me Love ang biggest break.

So far ito ‘yung pinakamatagal ko na ginawa, ito ‘yung pinaka-wild ko na character na ginawa.

“Kita naman sa mga eksena namin, hindi ko talaga ginagawa ‘yun. Nakatutuwa lang na natutuwa mga tao. Marami pa sila aabangan na kakikiligan,” sabi ng aktor.

Bukod kay Maris, may mga dream collab din siya in the future, “Siguro sa mga kuya-kuya ko parang gusto ko makasama sina Jericho Rosales. Papa P (Piolo Pascual) nakasama ko na sa sitcom ang saya-saya ng memories ko roon.

“Sa leading ladies kahit sino ‘yung pwede, kasi ito kay Maris surprise naman. Ganoon naman siguro ‘pag may magpi-fit magpi-fit,” anang binata.

Sa totoo, kinikilig kami kapag napapanood namin sina Maris at Anthony. May chemistry talaga sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …