Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anna Magkawas Lux Slim Luxe Beauty & Wellness Group

Pekeng Luxe Slim products nagkalat, may-ari na si Ms Anna nagbabala

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PINAG-IINGAT ng may-ari ng Lux Slim products ang publiko na bumili lamang sa mga legit seller ng kanilang produkto tulad ng mga Macchiato at Dark Choco dahil nagkalat online ang mga peke nito.

Sa isang media conference na pinangunahan ni CEO/founder ng Luxe Beauty & Wellness Group at Negosyo Goals host, Anna Magkawas, sinabi nitong marami na ang nagmenmensahe sa kanila na nakabibili ng mga pekeng produkto.

Kaya naman agad silang gumawa ng awareness campaign para mapaalalahanan ang publiko at para hindi mabiktima ng pekeng online sellers/scammers.

Right now, ang gusto nating ipahatid sa mga tao is ano ba ‘yung hitsura niyong mga fake? Kasi iniiwasan natin na ma-ingest, iniiwasan natin na mainom nila ito. Of course, hindi tayo sigurado kung FDA approved ba ‘yung mga ibinigay sa kanila? Hindi tayo sigurado kung safe bang inumin? Dahil kung ang intensiyon po talaga, eh, makapangloko, ‘di ba, baka hindi na rin nila tiningnan noong time na ‘yon kung okay lang bang inumin ng mga tao,” ani Anna.

Ipinakita ni Ms Anna niya ang hitsura ng kahon at sachets ng legit Luxe Slim products at ikinompara sa peke. Ang original products, makapal, matte at matchbox type ang kahon. Ang mga peke naman, mas malapad, manipis, glossy, at walang legit logos at seal ng Luxe Slim.

Kung kayo po talagang user na niyong product, madi-distinguish n’yo po kaagad na fake po ‘yung ibinigay sa inyo,” giit pa ni Anna.

Sinabi pa ni Anna na laganap at agresibo ang fake sellers lalo na sa Facebook at iba pang social media platforms.

Kaya sa mga consumer, maging mapanuri tayo at ‘wag agad manila. Madaling malaman kung peke ang binibili natin. 

Sinabi pa ni Ms Anna na madaling makikilala ang legit page nila sa FB at legit ang mga nabibili sa Shopee at Lazada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …