Tuesday , November 5 2024
PNVF Champions League
TEAM captains at coaches ng mga kalahok na koponan sa Champions League kasama sina (gitna) Philippine National Volleyball Federation secretary-general Donaldo Caringal, Executive Director Marie Louise Principe at Referees Manager Yul Benosa. (HENRY TALAN VARGAS)

Maraño brings veteran act to PNVF Champions League

NANGAKO ang beteranong si Aby Maraño na gagawin ang kanyang makakaya para sa kanyang bagong koponan na Chery Tiggo sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League na magsisimula ang women’s tournament ngayong Linggo Peb. 4-10 sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

“To be the champions,” sabi ni Maraño sa punong Philippine Sports Commission Conference Room sa inlunsad na Champions League press noong Biyernes. “Ako at ang aking bagong koponan ay hindi papayag na ang aming hirap at dedikasyon sa pagsasanay ay masayang.”

Si Maraño, isang beterano sa edad na 31, ay isa sa mga sikat na dapat abangan sa five-team women’s play ng Champions League na inorganisa ng PNVF sa ilalim nina president Ramon “Tats” Suzara at secretary-general Donald Caringal.

Kasama ni Maraño sa centerstage sa press launch ang kapwa club team player na si Rem Palma ng Petro Gazz gayundin ang mga team captain at lead players ng defending champion College of Saint Benilde, Cignal HD at Philippine Army.

“It’s a wide-open field dahil ang lahat ng mga koponan ay nangangako na magsasagawa ng malalakas na laban,” sabi ni Caringal ng ikatlong edisyon ng Champions League. “Sa balanseng cast ng mga batikang pro club, new-look squad at collegiate teams, asahan na ang mga laban ay isang toss-up para sa prestihiyosong titulo.”

Ang reigning champion Cignal HD, samantala, ay pinapaboran sa eight-team men’s contest na magsisimula sa Pebrero 11.

Hahataw ang Chery Tiggo at Cignal sa double-header sa Linggo alas 6 ng hapon matapos ang tunggalian sa pagitan ng Philippine Army at Petro Gazz, alas-3:30 ng hapon. Aarangkada ang kampanya ng Saint Benilde laban sa Petro Gazz sa Lunes.

Kasama sa Cignal HD sa Pool A ang PGJC Philippine Navy, Savouge Spin Doctors at Saint Benilde habang nasa Pool B ang VNS Asereht Griffins, Iloilo D’Navigators, Philippine Air Force at Philippine Army.

Bukod kay Maraño, ipaparada rin ng Kungfu Reyes-coached na si Chery Tiggo sina dating F2 Logistics star Ara Galang at dating Premiere Volleyball League MVP Mylene Paat at Eya Laure.

Ang Cignal at Petro Gazz ay magkakaroon din ng mga dating manlalaro ng F2 na sina libero Dawn Macandili at Myla Pablo—isang dating Angel at PVL MVP.

Ang Champions League, ay magkakaroon ng Top 4 na koponan na maglalaban sa knockout semis pagkatapos ng single-round elims, ay ipapalabas ng live sa One Sports at One Sports+ at livestream sa Pilipinas Live at delayed basis sa Cignal.

About Henry Vargas

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …