YUMAO na ang ABS-CBN executive na nasa likod ng kanilang matagumay na seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at ngayon ang FPJ’s Batang Quiapo, si Deo Endrinal. Namatay siya sa edad na 60, matapos ang ilang panahon din namang pakikipaglaban sa cancer.
Si Deo na ang sumubaybay kay Coco Martin simula nang lumipat siya sa ABS-CBN at tumigil sa mga ginagawa niyang gay indie films noong una. Sa Kapamilya naman siya sumikat dahil ang mga gay indie naman niya noon ay hindi kumita.
Nauna kay Coco, napasikat din ni Deo sina Diether Ocampo, Carlos Agassi at iba pa, pero nitong huli ng ay naging concentrated siya kay Coco. Matinding dagok sa carreer ni Coco ang pagkawala ni Deo. Kaya siya naging direktor, creative consultant at gumagawa pa ng sarili niyang scripts dahil kay Deo.
Si Deo ay nanggalinh nga sa GMA noong araw bilang writer, hanggang sa lumipat siya sa ABS-CBN nang makuha ng mga iyon ang network mula sa BBC 2 ng mga Benedicto. Nanatili si Deo sa ABS-CBN kahit na nawalan ng prangkisa dahil sa paniwalang magsu-survive naman ang mga show nila kahit na sa cable at internet lamang, at baka makakuha ring muli ng prangkisa. Kung kailan naman sinasabing baka makakuha sila ng isang bagong estasyong may prangkisa at saka naman siya nawala.
May he rest in peace.