Saturday , November 16 2024
Gawad Lasallianeta

Kapuso humakot ng award sa Gawad Lasallianeta

HAKOT award ang mga Kapuso sa katatapos na 6th Gawad Lasallianeta.

Wagi si Alden Richards bilang Most Outstanding Film Actor para sa pelikulang Five Breakups and a Romance at Most Outstanding Actress in a Drama si Barbie Forteza para sa seryeng Maria Clara at Ibarra.

Most Outstanding Talk Show and Talk Show Host respectively ang Fast Talk with Boy Abunda at ang King of Talk na si Tito Boy Abunda.

Ang Pepito Manaloto Tuloy ang Kuwento ay kinilala bilang Most Outstanding Comedy Show at ang bida nitong si Michael V bilang Most Outstanding Comedian.

Kinilalang Most Outstanding Entertainment Show ang Family Feud.

Napili naman bilang Zeal for Lasallian Excellence as Public Communicator Awardee sina David Licaucoat direk Mark Reyes.

Wagi ang 24 Oras bilang Most Outstanding News Show at dahil ito na ang ikalimang sunod-sunod na panalo ay tinagurian na rin ang programa bilang Hall of Famer.

Hinirang na Most Outstanding Female News Correspondent si Mariz Umali at Most Outstanding News Male Anchor at Male Documentarist si Atom Araullo.

Si Kara David at ang iWitness ay hinirang bilang Most Outstanding Female Documentarist at Documentary Show.

Ang Unang Hirit at ang mga host nito ang napili bilang Most Outstanding Morning Show at Most Outstanding Morning Show Hosts.

Hinirang ang Kapuso Mo, Jessica Soho at ang host nitong si Jessica Soho bilang Most Outstanding Magazine Show at Most Outstanding Magazine Show Host.

Ang Amazing Earth naman ang napiling Most Outstanding Educational Show samantalang ang host nitong si Dingdong Dantes ay ginawarang Most Outstanding Educational Show Host.

Nanalo ang Born to be Wild bilang Most Outstanding Travel/Lifestyle show habang si Drew Arellanoang kinilala bilang Most Outstanding Travel/Lifestyle show host para sa Biyahe ni Drew.

Hinirang ang Super Radyo DZBB bilang Most Outstanding Digital Radio Station at si Papa Dudut ng Barangay LS 97.1 naman ang kinilalang Most Outstanding Male FM DJ.

Espesyal ang iginawad na parangal bilang Posthumous Awardee sa namayapang news anchor na si G. Mike Enriquez.

Ang mga criteria sa pagpili ng mga awardee ay kung gaano kaimportante at kalaki ang naging impluwensiya nila bilang  communicators at role models sa buong La Sallian community. Hangad ng nabanggit na award giving body na parangalan ang mga personalidad na may malaking kontribusyon sa larangan ng telebisyon, pelikula, radyo, at pagbabalita.

About Rommel Gonzales

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …