Monday , December 23 2024
Janice de Belen Ogie Diaz

Janice wapakels sa mga young star na ‘di marunong bumati — ‘wag lang sila magkakamali sa lines

MA at PA
ni Rommel Placente

PARA kay Janice de Bellen, wapakels lang siya sa mga artistang hindi marunong bumati sa mga artistang nakakatrabaho nila sa teleserye at pelikula. Hindi big deal para sa kanya kung may mga nakakatrabaho siya na hindi marunong bumati at magbigay-galang sa mga senior star lalo na ‘yung mga kabataang dinadaan-daanan lang siya.

Dinadaanan ko rin sila. Actually, deadma ako sa ganyan. Ako, deadma. Ayaw ninyo, ayaw ko rin,” ang sabi ni Janice sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Pero may pagbabanta ang award-winning actress sa mga youngstar na makakatrabaho niya in the future.

Huwag lang silang magkamali sa lines nila. Kailangan kapag magka-eksena kayo, huwag kang magkamali,” ang warning ni Janice.

Natanong din ang aktres kung may mga nakatrabaho na siyang kabataang artista na nakalilimot ng mga dialogue kapag  take na.

Marami! Diyos ko,” mabilis na sagot ni Janice.

Ang ginagawa raw niya sa mga ganitong sitwasyon, ume-exit na lang muna siya.

Tapos sasabihin niya  sa production staff, “Dito muna ako, ha? Unahin niyo na muna iyan.’

“Or sasabihin ko sa AD (assistant  director), ‘Tawagin ninyo ako ‘pag memorized na niya (dialogue niya),’” sabi pa ni Janice.

Pagsasabihan ba niya ng ganoon ang artista? 

“Kung apologetic naman siya, roon ko na lang sa AD sasabihin. Ngayon, kung suplada pa siya, Lord, help me, give me more patience.”

Dagdag ni Janice, “Ako, huwag lang magkamali. Kasi, ‘di ba, tina-try mo naman sila tulungan as much as possible.”

Bwisit na bwisit din si Janice sa mga nagdadala ng cellphone na nakalagay sa bulsa kapag take na nila, “Mahirap kasi ‘yung kaeksena mo may cellphone sa bulsa. Ako, sinasabi ko, ‘Madi-distract ka, eh.’

“Nadi-distract ako kasi, unang-una, maririnig ‘yung vibration sa lapel. Second, magka-cut si Direk. So, uulitin natin ito (eksena),” aniya pa.

Ikinompara pa niya ang mga senior star sa mga batang artista ngayon, “Mas seryoso ang mga tao, mas nag-aaral ng script.”

‘Yung ibang youngstars at mga baguhan daw ay nagba-vlog sa gilid ng set, may nagti-TikTok sa kabilang side at may kausap naman sa cellphone ang iba.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …