Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Massimo Scofield

Massimo game pa rin sa pagpapa-sexy, abala as breeder ng manok na panabong

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGMARKA si Massimo Scofield sa mundo ng showbiz bilang isang Vivamax sexy actor. Ang hunk at guwapitong talent ni Jojo Veloso ay palaban sa mga daring na eksena sa Vivamax.

Pero sa ngayon ay hindi sa showbiz ang focus ng aktor, kundi sa mga alaga niyang manok na panabong.

Aminadong bata pa lang ay nakahiligan na ni Massiomo ang pag-aalaga ng manok. “Grade school pa lang po ako ay mahilig na talaga ako sa manok. Lahat ng alagang manok ng tatay ko pinapakialaman ko at pinagsasabong ko kahit hindi po talaga sila yung manok na pang-sabong.

“Natutuwa po ako kapag nakakakita ako ng manok na naglalaban, eh.”

Nilinaw ng aktor na hindi niya iiwan ang showbiz. “Wala naman po akong balak mag-quit sa showbiz,” madiin na deklara niya.

So, palaban pa rin siya sa pagpapa-sexy sa Vivamax?

Esplika ni Massimo, “Palaban pa rin naman po, naghihintay lang ng project na pasok sa schedule ko, medyo hectic din po kasi ang schedule ng isang sabungero. Hahaha!”

Dagdag pa niya, “Medyo naging busy lang po ako ngayon sa mga seminars. Inaaral ko pa po kasing mabuti yung mundo ng sabong para po matutunan ko lahat ng angulo sa pagmamanok.

“Dahil po rito, nakakakuwentuhan ko rin po ang mga malalaking personalidad gaya po ng ating legendary breeder na si sir Joe Alimbuyuguen na walang sawa kung magbigay ng advice, hindi lang sa pagmamanok, kundi sa pagiging matapat at pagiging mabuting ehemplo sa mga baguhan sa industry, na tulad ko.”

Kung gagawa ng pelikula ukol sa sabong ang Vivamax, game ba siyang maging bahagi ng cast ito?

“Napakagandang concept po niyan. Sa rami nating mga sabungero sa Pilipinas, sigurado ako na marami ang mag-aabang niyan,” nakangiting sambit ng aktor.

Ang huling pelikulang nagawa ni Massimo ay ang A Glimpse of Forever ni Direk JP Laxamana. Pero hindi pa raw alam ng aktor kung kailan at saan ito ipalalabas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …