Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Yasmine Espiritu Aurora Sofia

Alfred ibinandera ikaapat na anak

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang Instagram account, ibinandera ng actor-politician na si Coun. Alfred Vargas ang cute na cute na photo ng ikaapat na anak nila ng misis na si Yasmine Espiritu, si Aurora Sofia, habang nakabalot sa isang tela at may suot na flower crown.

Caption ni Coun. Alfred sa IG post, “To our dear family and friends, with much love, gratitude and happiness, we proudly introduce the newest member of our family, our little bundle of joy, AURORA SOFIA E. Vargas [pink flower, heart emojis].

We love you so much Aurora [pink flower emoji],” aniya pa.

Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot ng suporta at congratulatory messages sa mag-asawa. Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.

Congrats po, ang ganda ganda talaga ng mga babies niyo [red heart emojis].”

“Worth it lahat ng hirap mo during pregnancy mam Yasmine, So pretty ni Baby Aurora [red heart emoji].

Ito talaga inaabangan q kasi excited na aqng makita c baby [happy face with heart eyes emojis].”

“Awwwww I’m melting, there is liltle angel here [red heart emoji].”

Noong December 26 nanganak si Yasmine at kasabay niyan ay ibinunyag nila ang ibinigay na pangalan ng bagong miyembro ng pamilya.

Masaya kami para kay Yasmine, dahil nakaraos siya ng maluwalhati sa kanyang pagbubuntis at naisilang niya ng healthy ang kanilang bunso. 

Ayon kasi kay Coun. Alfred, nang maka-text namin siya before, naging delikado ang pagbubuntis ni Yasmine, kaya nanatili siya sa ospital ng halos isang buwan. Ito rin ang dahilan kung bakit halos araw-araw ding nasa ospital si Coun. Alfred.

Bale apat na ang mga anak nina Coun. Alfred at Yasmine. Bukod kay Aurora, ang tatlo pang anak ng mag-asawa ay sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, at Alfredo Cristiano

O, ‘di ba, lahat ng anak nila ay nagsisimula sa letter A ang pangalan? Na gaya ni Coun. Alfred na letter A rin ang simula ng name. 

Siguradong napag-usapan at napagdesisyonan nila na lahat ng anak nila dapat ay magsisimula ang pangalan sa letter A.

Congratulations Coun. Alfred and Yasmine sa pagkakaroon ng bagong anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …