PATAY ang 32-anyos na radio technologist nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Baesa, Quezon City nitong Miyekoles ng uamaga.
Dead on the spot ang biktimang si Daniel Sio Romas, 32, tubong Agusan del Sur at residente ng No. 317 Champaca St. Baesa, Quezon City.
Sa pagsisiyasat nina P/Cpl. Benito Catungal, Jr. at Pat. James Marshal Morales ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang pamamaril dakong alas 5:30 ng umaga sa Mendez Road, Baesa sa lungsod.
Sakay ng mortorskilo ang biktima nang sabayan at tapatan ng mga suspek saka pinagbabaril.
Nagsasagawa na ng follow up investigation ang QCPD-CIDU upang matukoy ang motibo at pagkakakilalan ng mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)