Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joem Bascon Jasmine Curtis-Smith

Joem umaarangkada sa Siete

RATED R
ni Rommel Gonzales

UNANG nakasama ni Joem Bascon sa isang proyekto si Jasmine Curtis-Smith sa pelikulang Culionnoong 2019 at ngayong 2024 ay magkatrabaho silang muli sa serye ng GMA, ang Asawa Ng Asawa Ko.

Ang serye ang pinakauna ni Joem sa GMA bagamat naging guest siya sa umeere pa ring Kapuso series na Black Rider.

Ano ang kanyang pakiramdam na sa wakas ay may regular series na siya sa GMA matapos magtrabaho ng mahabang panahon sa ABS-CBN?

“Happy,” umpisang bulalas ni Joem. “Happy, blessed, kasi alam niyo naman, ilang years na ba ako, 18, 19 years na yata akong nagwu-work [sa ABS-CBN].

“Last year was my first time working with GMA-7. So happy, blessed, nakakapanibago siyempre, kasi first time ko to work with GMA, pero sobrang saya.

“Kasi alam mo ‘yun ‘pag tumatanda ka naman, at the end of the day kailagan mo lang ng trabaho. Lalo na iyon nga may family na ako, may anak na kami ni Meme (Meryll Soriano) so, I’m happy na siyempre wala na namang network war ngayon, nabibigyan na ng chance ang mga taga-kabila, from ABS, nakaka-work na sila sa GMA, ang mga taga-GMA nakaka-work na sa mga taga-ABS.

“So, nagkakaroon na ng collaboration ang mga network and I’m happy, I’m happy na may trabaho tayong lahat ngayon,” pagbabahagi pa ni Joem.

Gumaganap si Joem bilang si Leon sa serye kasama sina Jasmine as Cristy, Rayver as Jordan, Martin as Jeff, at  Liezel Lopez as Shaira.

Tampok din sina Kzhoebe Baker as Tori, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Quinn Carillo as Leslie, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw.

Napapapanood tuwing 9:35 p.m. sa GMA Prime, sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …