BACK to kulungan ang isang tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy -bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si Nelson Macugay, 44 anyos, residente ng Purok 4 Orosco St, Brgy Mapulang Lupa, ng nasabing lungsod.
Sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Sanchez ang buy- bust operation kontra sa suspek matapos ang natanggap na impormasyon na muli naman umano itong nagbebenta ng illegal na droga.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek, dakong 4:25 ng madaling araw ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba malapit sa kanyang bahay
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value P340.000.00, P500 buy bust money, P200 recovered money, coin purse at cellphone.
Sa record ng pulisya, dati ng naaresto ng mga operatiba ng SDEU ang suspek noong 2021 dahil din sa pagbebenta ng droga.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (ROMMEL SALES)