Saturday , December 21 2024
David Jay-jay Suarez Pantaleon Alvarez

Suarez binuweltahan akusasyon ni ex-Speaker Alvarez sa planong amyenda sa Saligang Batas

HINDI nagpatumpik-tumpik ang bagong talagang Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon province at agad bumuwelta sa, umano’y, mga walang basehang akusasyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na nais lang pagwatak-watakin ang Kamara de Representantes.

Kasabay nito binigyang diin din ni Suares ang kahalagahan ng isang konstruktibong dayalogo sa Kongreso at sinabing ang mga alegasyon ni Alvarez ay layon lang idiskaril ang progreso hinggil dito.

Tugon ito sa isang panayam ni Alvarez sa telebisyon kung saan niya kinuwestyon ang pagiging lehitimo ng nagpapatuloy na People’s Initiative para amyendahan ang 1987 Constitution at ang ang akusasyon na may kinalaman dito si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez—bagay na makailang beses nang pinabulaanan ng liderato ng Kamara, mambabatas at iba pang grupo na nagsusulong ng reporma sa konstitusyon.

Sinabi rin ni Alvarez na kumakatawan sa unang distrito ng Davao del Norte, na hindi niya mawari kung bakit kailangan amyendahan ng Konstitusyon at ginagamit pa ang economic provisions nito bilang dahilan.

Pinuna ni Suarez ang biglaang pagbaliktad ni Alvarez at aniya’y “wild, baseless and reckless” na alegasyon laban kay Speaker Romualdez.

Minaliit ng mambabatas mula sa ikalawang distrito ng Quezon ang mga alegasyon ni Alvarez na pawang walang katotohanan at nais lamang sirain ang kasalukuyang proseso ng constitutional economic.

“Former Speaker Alvarez’s allegations are not just unfounded; they reek of desperation and a disregard for the truth. Accusing Speaker Romualdez of orchestrating the ‘People’s Initiative’ without a shred of concrete evidence is not only irresponsible but also a clear attempt to destabilize our legislative proceedings,” sabi ni Suarez

Tinawag ding ipokrito ni Suarez ang mga pahayag ni Alvarez na dati naman ay masugid na nagsusulong sa charter change noong pagsisimula ng adminsitrasyon Duterte.

Katunayan, kasama aniya si Alvarez sa 301 miyembro ng Kamara na bumoto pabor sa pagpapatibay ng Resolution of Both Houses No. 6 noong Marso na nagpapatawag ng constitutional convention para amyendahan ang 1987 Constitution.

               “This underscores the inconsistency in former Speaker Alvarez’s current stance on constitutional reforms, considering his prior support for RBH 6 last year,” giit ni Suarez

Kwestyunable,ani Suarez, ang biglang pagbabago ng posisyon ni Alvarez ay para sa sariling interes o para talaga sa kapakanan ng bansa.

“It’s baffling that someone who vigorously pushed for constitutional reforms in the past is now attempting to cast doubt on the very process he once championed. This raises serious questions about the credibility and sincerity of his current objections,” paghahayag ni Suarez. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …