RATED R
ni Rommel Gonzales
STILL on Asawa Ng Asawa Ko, kinikilig si Quinn Carillo na maging parte ng naturang GMA series.
Lahad ni Quinn, “Sobrang kinikilig po talaga, kasi noong una, sabi nga po, is pang-hapon.
“Tapos, kahit po panghapon, sobrang suwerte ko na sobrang happy ko na, tapos sinabi nila na biglang sa primetime.
“So lalong… ‘Oh, my God! It’s my first TV series and it’s gonna be primetime!’
“‘Di ko alam, I don’t know what to feel, I’m just feeling really elated right now.
“Sabi ko, ‘Oh, my gosh, sobrang suwerte ko.’”
Hindi pa rin ganap na nagsi-sink in sa utak niya na nakatawid na siya mula sa indie films to a mainstream TV series?
“Actually, hindi ko po siya iniisip,” bulalas ni Quinn. “Like, nakatawid na ako.
“Kasi, it’s still work. And ayoko naman pong paabutin sa utak ko na, ‘Ay, mainstream na ‘yan.’
“So, it’s still work pa rin naman ‘yun. Kasi, feeling ko, aakyat sa utak ko.
“Kahit sabihin ko, ayoko. Kahit sabihin ko, nakatawid. Mayroon, eh.
“Mayroon at talagang parang, parang aakyat talaga sa utak ko ‘yun, ‘yung ginagawa kong project.
“So, inisip ko na lang, ano to, like, any other job, gawin mo nang maayos, gawin mo ang best mo, gawin mo lahat ng puwede mong gawin, para maipakita mo na deserve mo itong project.”
Kasama rin si Quinn ng mapangahas na Haslers ng Vivamax at siya rin ang sumulat ng script nito na available na ngayon for streaming.