Sunday , December 22 2024
Gina Alajar Laurice Guillen

Gina Alajar takot idirehe si Laurice Guillen — Ninerbiyosin ako, mayroon siyang standard

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Laurice Guillen ang direktor ni Gina Alajar sa Asawa Ng Asawa Ko ng GMA.

Pero hindi pa naididirehe ni Gina si Laurice dahil natatakot siya na maging direktor ng huli.

“Hindi pa, ‘katakot! “Nakakatakot ‘yun,” ani Gina.

Bakit naman nakakatakot? Tatanggihan ba niya kung sakali?

Hindi naman, kaya lang nenerbiyosin ako,” bulalas ni Gina.

Dahil?

Of course, kasi mayroon siyang standard…kasi she’s Laurice Guillen, she’s you know, ano siya, magaling siya, marunong siya, ‘di ba?

“Hindi ko… hindi ko inilalagay ang sarili ko na kapantay ko siya, kasi ako parang… compared sa aming dalawa, I’m still a newbie compared to her,” pahayag ni Gina na gumaganap na Carmen sa serye. 

“‘Yung wala akong alam sa lahat ng nalalaman niya, compared sa kanya…”

Samantala, lead stars dito sina Jasmine Curtis Smith as Cristy, Rayver Cruz as Jordan, Liezel Lopezas Shaira, Joem Bascon as Leon, at Martin del Rosario bilang Jeff.

Tampok din sina Kzhoebe Baker as Tori, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Quinn Carillo as Leslie, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw.

Mapapanood tuwing 9:35 p.m. sa GMA Prime.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …