Saturday , November 16 2024

 ‘Wag apurado, Mr. Speaker

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

Malinaw ang sinabi ni Senator Imee Marcos. Hindi maaaring diktahan ni Speaker Martin Romualdez ang administrasyong ito kahit pa kamag-anak nito ang Presidente. Hindi pupuwede, lalo na kung walang pag-apruba ng “super ate” — mismong ang senadora ang nagbansag sa sarili — ni Bongbong Marcos.

Inaming may hindi sila pinagkakasunduan, ibinunyag ni Senator Imee na “nagtatampo” sa kanya ang pinsang si Romualdez simula noong Oktubre, dahil daw sa pagiging malapit niya sa mga Duterte. Sa kabila nito, hindi nagpapigil ang senadora sa pagkuwestiyon kung bakit “inaaway” ni Romualdez sina dating pangulong Rody Duterte at Vice President Sara Duterte-Carpio kaugnay ng mga usapin ng confidential and intelligence funds at ng International Criminal Court.

Sa isang panayam sa radyo, binatikos pa ng senadora ang pinsan bilang “not a Marcos” matapos nitong kuwestiyunin kung ang katapatan ba niya ay nasa kanyang kapatid, ang Pangulo, o sa kanilang malapit na kaibigan at kaalyado sa pulitika, ang mga Duterte.

Kaya hindi na nakakagulat na hindi sinasang-ayunan ni Sen. Imee si Romualdez sa mahahalagang isyu at diretsahang binira ang pagbabago sa Konstitusyon na isinusulong ng House leader. Dati pa man, sinabi na ng senadora na hindi prayoridad ng administrasyon ng kanyang kapatid ang matalinong ideya ng Speaker.

Maliwanag naman ang pag-amin ng senadora na hindi sila nagkakasundo ng kanyang pinsan, independent siya rito, at mas may impluwensiya siya sa Punong Ehekutibo, bilang nakatatandang kapatid nito. Kung pagbabasehan natin ang utos ni President Bongbong na pangunahan ni Senate President Migz Zubiri ang pagtalakay sa Charter change, masasabi nating tama ang “super ate”: hindi maaaring idikta ni Martin sa gobyerno ang gusto niya.

Ang P51-billion question

Pasabog ang sinabi ni Congressman Zaldy Co na 99% siyang sigurado na tumpak ang napaulat na P51-bilyon alokasyon sa distrito ni Rep. Paolo Duterte noong 2022. Una, dapat itong busisiin; at ito nga mismo ang iginigiit ngayon ni Co.

Ang halaga ng pondo na ibinuhos sa iisang congressional district ay lubhang nakakagulat at tumutukoy sa posibilidad ng irregular na paggastos. Ang hindi pagkakatugma ng mga alokasyon, na umabot daw ng P35 bilyon sa iisang taon lamang, ay lampas-lampas sa karaniwang ipinagkakaloob sa isang distrito.

Ito marahil ang dahilan kaya sinita ni Rep. Pulong Duterte ang liderato ng Kamara sa umano’y P2 bilyon na tinapyas sa pondo ng kanyang distrito. Marahil balido rin naman ang pangamba rito, sa usapin ng budget transparency.

Kaya naman importante na ang House Committee on Appropriations, sa pagganap sa tungkulin nito, ay masusing himayin ang usapin sa harap ng mga Pilipino. Responsibilidad ng gobyerno na kumpirmahin ang katotohanan sa likod ng nasabing alokasyon.

Sa kanyang panig, sinabi ni Co na walang koneksiyon sa alitang pulitikal ang isyu, binigyang-diin na ginagawa lamang ng kanyang komite kung ano ang tama. Malinaw naman, dapat maliwanagan ang publiko sa paglalaan ng napakalaking pondong ito at kung ano ang impikasyon nito.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …