Monday , December 23 2024
Kris Aquino

Kris tuloy ang laban kahit may bagong nadiskubreng sakit

BAWAL pa ring sumuko. Tuloy ang laban,” ito ang tiniyak ni Kris Aquino sa nang matanggap ang resulta ng bago niyang blood count test na isinagawa kamakailan.

Naiyak ang Queen of All Media sa resulta na ang ibig sabihin, mayroon na namang nagma-manifest na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan, ang lupus.

Sa bagont update na inilahad ni Kris sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sinabi ni Kris na mula pa noong Thanksgiving ay mahinang-mahina na ang kanyang katawan kaya humingi siya ng paumanhin kung hindi siya nakabati sa kanyang mga tagasuporta.

Bukod sa humina ang katawan, nabawasan din ang kanyang timbang kasabay ng kawalan ng gana sa pagkain. 

Bagamat nangyayari ito, tiniyak ni Kris na hindi pa rin siya susuko at itutuloy niya ang laban.

Tatlong video ang ipinost ni Kris ukol sa ginawang test at treatment sa kanyang active rare autoimmune diseases.

Explains and answers almost everything that has happened and is happening. 2024 please be kind,”caption ni Kris sa unang video. 

Nalamang may mga bagong sakit ang host/actress tulas ng Churg Strauss / EGPA at Crest Syndrome. Unti-unti na ring lumalabas sa kanya ang mga symptom ang SLE, o ang systemic lupus erythematosus, ang sinasabing most common form ng lupus.

I was reluctant to post my pics because I lost weight again… I knew I had to help myself, nobody else could eat for me, and slowly I started eating food again,” ani Kris.

“I cried nonstop when I got my blood panel results. My Churg Strauss/EGPA is still being treated, but to add to it my CREST SYNDROME is now in full ACTIVE mode,” pag-amin pa niya.

It’s highly likely based on my ANA count (blood panel), my high inflammatory numbers, my anemia, my now constant elevated blood pressure at night, and the consistent appearance of ‘butterfly rash’ on my face that I’m at the initial stage of SLE, or what is commonly known as lupus,” sabi pa ni Kris.

Kumakapit pa rin si Kris sa kanyang pananampalataya at paniniwala na gagaling siya.

We have a merciful and loving God who hears our prayers. Our battle has become more complex but I promised my sons and sisters that I wouldn’t be a wimp.

“Bawal pa ring sumuko. Tuloy ang laban,” paniniyak ni Kris.

Marami naman ang nagpadala sa pamamagitan rin ng socmed ng suporta at inspiring messages kay Kris kasama na ang pananalangin para sa kanya. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …