Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shiena Yu Denise Esteban Aiko Garcia Angelo Ilagan Victor Relosa Nathan Cajucom

Denise, Aiko, Victor, Shiena, at Angelo mang-eeskandalo sa Room Service at Papalit-Palit, Palipat-Lipat

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 NAKAGUGULAT at naka-eeskandalong sexcapades sa hotel ang ipakikita sa pelikulang Room Service ni direk Bobby Bonifacio, Jr. sa Vivamax ngayong Enero.

Masasabing “first day high” ang mararanasan ni Carol (Shiena Yu) sa kanyang unang araw bilang room attendant sa 3-star hotel dahil bubungad agad sa kanya ang pagtatalik ng dalawang hotel guest nang makita niyang bukas ang pinto ng kanilang kuwarto. Hindi ito ang unang pagkakataong nakita niya ang lalaki at noong una pa lang ay natipuhan na niya ito.

Sa paglipas ng mga araw, naobserbahan ni Carol na iba’t ibang babae ang dinadala ni Michael (Angelo Ilagan) sa kanyang kuwarto. Lalong lumalalim ang pagnanasa niya kay Michael kahit na mayroon siyang nobyo – si Arvin (Nathan Cajucom), pero nakukulangan siya sa kanilang sex life.

Pinagpapantasyahan na nga ni Carol si Michael, hanggang sa dumating ang araw na inimbitahan siya nito.

Streaming na ang Room Service sa Vivamax.

At para tapatan ang intensity na hatid ng Room Service ay may isa pang sexy-drama Vivamax Original Movie na una ring offering ng cult director na si Roman Perez Jr.’s ngayong 2024. Pinagbibidahan nina Denise EstebanAiko Garcia, at Victor Relosa. Panoorin ang kuwento kung paano magugulo ang buhay ng mag-asawa na namumuhay ng payak at payapa sa pagdating ng isang misteryosa at nakaaakit na dalaga. Palipat-Lipat, Papalit-Palit, streaming na sa Vivamax.

Sina Edna (Denise) at Larry (Victor) ay mag-asawang masayang namumuhay ng simple sa probinsiya habang nagtatrabaho sa kanilang tahungan. Pero lahat ‘yon ay magbabago nang isang araw ay makita nila ang isang walang malay na babae (Aiko) na may hawak na puting bimpo sa kanilang tahungan. Tutulungan nila ang babae at iuuwi sa bahay. Malalaman nila kalaunan na Amy ang pangalan nito at naaksidente at ang kanyang asawa nang masira ang sinasakyang bangka habang nasa laot at siya ay inanod papunta sa tahungan.

Aalagaan nina Edna at Larry si Amy at tutulungan na makarecover, at sa paglipas ng mga linggo at buwan ay magiging komportable sa iisang bubong ang mag-asawa at si Amy. Pero ang maganda nilang samahan ay magiging komplikado nang magsimulang mahulog si Amy sa kakisigan at kabaitan ni Larry.

Matagalan kaya nila ang ganitong kasunduan at mabuhay ng payapa na magkakasama? O isa kina Edna at Amy ang bibigay, magwawala, at magagalit sa pinasok nilang kalagayan?

Alamin ang mga nakagugulat pang tagpo sa napaka-kontrobersiyal na sitwasyon, panoorin ang Palipat-Lipat, Papalit-Palit, streaming na sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …